Ryza Cenon, masayang ibinahagi ang binyag ng kanyang cute na cute na baby na si Night

Ang binyag o baptismo ay isang sakramento ng mga Kristiyano na ginagawaran ng pagbubuhos ng banal na tubig sa may ulunan ng sanggol, bilang tanda ng pagiging bahagi niya sa pamayanang Kristiyano.

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram

Nitong Miyerkules, January 27 masayang ibinahagi ni Ryza Cenon sa kanyang mga follower sa instagram na ganap ng Kristiyano ang anak nila ng kanyang partner na si Miguel Cruz. Makikita sa mga nasabing posted photos ni Ryza ang intimate christening para sa baby na 3 months old na si Night Cruz.

Dinaluhan ito ng malalapit na mga kamag anak at mga kaibigan nina Miguel at Ryza upang magsilbing mga ninong at ninang ng kanilang panagany na anak.

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram

Sa caption ni Ryza, hiling nito na sana mas maging malapit sa Diyos ang kaniyang anak ngayong opisyal na bahagi na ito ng simbahang katoliko.

“Start your journey towards God’s eternal blessing for the rest of your life. May the holy spirit always surround you and protect you! God bless you anak. Be good to everyone. Welcome to the Christian world! We love you anak @iamnightcruz,”

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram

Pinasalamatan rin nito sa nasabing post ang kanyang partner at mga ninong at ninang para sa supporting ibinhagi nila sakanya.

“Thank you to @niceprintphoto , @honeyglazecakes , @labellefete , @partystationphils and to all ninangs and ninongs and our friends. Special thank to dada @miguel.antonio.cruz i love you.”
Spotted naman ng mga netizens na kasama sa mga nasabing larawan ang celebrity friend ng aktes na si Lj Reyes na tumayo din bilang ninang sa nasabing binyag.

Nag share naman ang ama ni Night na si Miguel Cruz na kasama nila virtually ang mga bisita at sinabi rin nito na personal nilang pasasalamatan ang lahat ng tumulong maging ang mga ninong at ninang ng kanyang baby kapag pwede na at safe na para gawin iyon.