Sam pinto, nag handa ng bonggang birthday party para sa kanyang anak na si Mia Aya

Ang anak ang tinuturing na kayamanan ng mga magulang. Ayon pa sa kanila isa ito sa mga regalo sa kanila ng Diyos na kanilang pinagpapasalamat kahit gaano kahir@p magpalaki ng anak, dahil ang pagkakaroon nito ay may kaakibat na responsibilidad.

Credit: @sampinto_ Instagram

Isa ngang hindi malilimot ang naging kaarawan ni Mia, dahil ayon pa sa kanyang mommy Sam Pinto ay ito na raw ata ang pinaka pinaghandaan nyang party,

“This magical boho rainbow party is probably the most Bongga party I’ve ever done. Lol. So THANK YOU to everyone who made this possible 🥰” sulat nya sa capti0n sa kanyang facebook account. Makikita naman talaga na bongga ang naganap na kaarawan ng kanyang anak dahil na rin sa magarbong dekorasyon sa venue.

Credit: @sampinto_ Instagram

Isang taon na nga ang anak ni Sam Pinto sa asawa nyang si Anthony Semerad isa ding celebrity gaya nya. Kapansin pansin din ang walang kupas na s3xiness ni Sam. Nakasuot ng Pink ang mag ina samantalang si Anthony ay nakasuot naman ng puti. Hindi din makakaila ang ganda ng anak nilang dalawa. Pinakita nga ni Sam ang bawat parte ng pinag planuhang birthday party.

Credit: @sampinto_ Instagram

Maaliwalas ang nakuhang mga kulay para gamitin sa theme. Naroroon din ang mga pamilya ng bawat isa. Si Mia Aya ay ipinanganak nito lamang nakaraang taon, September 1, 2021. Nang naipanganak nga si Mia ay agad na fall in love nga naman ang kanyang magulang,

Credit: @sampinto_ Instagram

“We couldn’t be more in love with you baby girl.” Sabi ni Sam noon sa kanyang Instagram post habang pinakita ang larawan ng anak. Sa dulo isa ngang biyaya ang anak, lalo pa sa pamilyang talagang pinaghandaan ang pag dating nito, happy birthday sa iyo Mia Aya!

Credit: @sampinto_ Instagram

Si Samuelle Lynne Acosta Pinto-Semerad na mas kilala sa kanyang screen name na Sam Pinto, isang Filipina actress at commercial model. Si Sam ay nagkaroon ng relasyon sa isang football player na si Misagh Bahadoran noong December 2015 hanggang 2018.

Credit: @sampinto_ Instagram

Noong October 2018 din naman ng kanyang pinaalam sa sa kanyang Instagram ang kanyang bagong boyfriend na isa namang basketball player na si Anthony Semerad.

Na engaged sila isang taon matapos maging sila, November 2019 sa Australia at ikinasal in a civil ceremony last year March 8, 2021. At noon ding taon May 5, nang kanyang ipinamalita na they are expecting their first child.