Sam Pinto-Semerad, ibinahagi ang kanyang bonggang maternity photosh00t

Sino nga ba ang hindi nakaka-miss sa napaka-ganda at dating artista na si Sam Pinto? Matatandaang marami ring mga netizens at all-time viewers ang nakaka-kilala rito dahil maraming beses din itong lumabas sa Philippine television at ilang pelikula sa big screen at hindi lamang iyon dahil isa rin itong model dahil sa kanyang angking natural na ganda at ka-s3xyhan.

Credit: Sam Pinto instagram

Nitong Marso lamang ay ibinahagi ni Sam ang magandang balita sa publiko na kasal na ito sa kanyang boyfriend na si Anthony Semerad na kilala bilang isang mahusay na basketball player. Bago nagpa-kasal ang mga ito ay noong 2018 pa nagsimula ang pagmamahalan ng dalawa at matapos ang isang taon ay nagpropose na si Anthony sa aktres.

Credit: Sam Pinto instagram

Nagkaroon ito ng isang civil wedding ceremony sa isang high-rise rooftop kasama ang mga malalapit at mahal nito sa buhay. Ibinahagi ni Anthony ang isang video at glimpse ng kanyang misis noong araw na iyon kaya naman pa-silip lamang ang nakita ng mga netizens.

Credit: Sam Pinto instagram

Talaga namang naging pribado at intimate lamang ang kanilang naging kasal ngunit kahit na ganoon ay walang kupas pa rin ang ganda ni Sam sa kanyang suot na simpleng white dress na lalong pina-tingkad ang natural na ganda nito.

Credit: Sam Pinto instagram

Matapos ang ilang buwan ay nagbahagi nanaman si Sam ng napaka-gandang balita na nagdadalang-tao na ito sa kanilang first baby ni Anthony. Nitong Mayo lamang ay ni-reveal na ng mga ito ang gender ng kanilang magiging anak at ito ay isang baby girl.

Credit: Sam Pinto instagram

Simula noong ay nagpo-post na madalas si Sam ng mga pregnancy photos nito sa kanyang Instagram account at makikita na kung gaano na kalaki ang kanyang baby bump dahil sa buwan na ng Agosto ito manganganak.

Kahit na papalapit na ang kanyang kabuwanan ay hindi pa rin nagpapahuli ang mga maternity pictures ni Sam. Kamakailan-lamang ay nagpost ito sa kanyang Intagram account ng mga maternity photos nito.

Credit: Sam Pinto instagram

Nagmistulang diyosa si Sam sa kanyang suot-suot na white lace dress na naka-dagdag sa kanyang natural na ganda. Simpleng-simple lamang ngunit bagay na bagay nito ang naging tema ng kanyang maternity sh00t.

Credit: Sam Pinto instagram

“Every week is a step closer to meeting my bundle of joy” saad nito sa kanyang caption.
At dahil katapusan na ng Hulyo ay malapit na nang ma-meet at masilayan ni Sam ang kanyang first baby girl. Excited na excited na ito sa paparating na buwan ng Agosto dahil hindi na ito makapag-hintay na mahawak at mahagkan ang anak.

Kahit na buntis na ito at malaki na ang baby bump, fresh na fresh at blooming pa rin si Sam sa kanyang mga maternity pictures.