Sam YG engaged na sa kanyang kasintahan na si Essa Santos!

Kilala bilang isang magaling na DJ host na si Sam Y.G. o si Samir Gogna. Siya ay naging radio host sa Magic 89.9 at isang host din sa noon time show na Eat Bulaga. Marami ang bilib na bilib sa kanyang galing lalo na sa hosting.

Credit: Sam YG instagram

At noong 2018, opisyal na ngang naipahayag ni Sam Y.G. ang kanyang latest love life status. Sila ng kanyang non showbiz girlfriend ay officially couple noong 2018. Masaya at talaga namang nakakakilig ang kanilang naging pag-iibigan kaya di nakapagtataka na tumagal at tumibay silang dalawa.

Credit: Sam YG instagram

Matapos ang halos dalawang taon, maglelevel up na sa susunod na stage ng kanilang relasyon si Sam at Essa. Dahil mula sa pagiging couple, ngayon sila na ay officially engaged na. Sa kanilang pag-aanunsyo ng magandang balitang ito, ay naibahagi din nila sa atin ang napakasweet na larawan na nakaluhod si Sam.

Credit: Sam YG instagram

“Essa ‘YES.’ ‘Let me love you for the rest of my life?’” saad ni Sam. Makikita din na ipinakita din ni Sam ang larawan ng kanyang soon-to-be-wife na si Essa, “Soon to be Mrs. G.”

Credit: Sam YG instagram

Samantala, masayang masaya namang ibinigay ni Essa ang kanyang matamis na oo. Maging siya ay nagbahagi ng mga larawan na makikita silang magkayakap na talagang nakaka kilig. “I ugly-cri3d the whole time. Have to say I did not expect this proposal at all—I kinda wish I did para mas prepared ako, but it makes for a great story anyway!,” paliwanag ni Essa.

Credit: Sam YG instagram

Napakasweet din naman ni Essa at talagang makikita ito sa kanyang mensahe at sa mga posts,
“It was always gonna be an ‘of course’, my love.. thank you for this wonderful-amazing experience. I am truly the luckiest girl! I love you in all ways, always,” dagdag pa ni Essa.
Kaya naman, masayang masaya ang lahat ng mga netizens at fans para sa kanila.

Credit: Sam YG instagram