Sandara Park, masayang masaya na nakuha na ang kanyang Gold Play Button sa Youtube

Ang sikat na KPOP idol na si  Sandara Park na isang miyembro ng sikat na girl group noon na 2NE1 ay nakatanggap ng Gold Play Button sa Youtube ngayon.

Credit: Sandara Park instagram

Ang Gold Play button ay pinaparangal sa mga Youtube Channels na may 1 million subscribers. Pinost ni Sandara ang kaniyang achievement na Gold Play Button sa kaniyang mga Social Media Accounts noong Nobyembre 4.

Credit: Sandara Park instagram

“I got the gold button!” saad ng caption ng pinost na picture sa Instagram ni Sandara.
Ginawa ng KPOP idol ang kaniyang Youtube Channel na Dara TV noong 2017 upang mas magkaroon ng communication at mapakita niya ang kaniyang buhay sa kaniyang mga fans.

Credit: Sandara Park instagram

Ito ay ginawa niyang paraan upang mas mapalapit sa mga taong sumusuporta sa kaniya.
Ang pinaka sikat na video sa Dara TV ay ang vlog niya noong 2017 kasama ang kaniyang kapatid na si Thvnder na nageexplore sa Pilipinas.

Credit: Sandara Park instagram

Ang Pilipinas ay itinuturing ni Sandara bilang kaniyang “second home” dahil tumira sa Pilipinas noon si Sandara at fluent siya sa pagsasalita ng Tagalog. Naging kilala siya noong sumali siya at naging runner-up sa “Star Circle Quest” sa ABS-CBN at binansagan siyang “Pambansang krungkrung”.

Credit: Sandara Park instagram

Si Sandara ay sumalang din sa mundo ng pag-acting noon at iilan sa mga palabas na siya ay nakasama ay “Krystala,” Bcuz of U,” “Can This Be Love,” “D’ Lucky Ones,” at “Super Noypi.”

Credit: Sandara Park instagram

Ngunit sa taong 2007 ay lumisan si Sandara sa Pilipinas upang magtraining bilang isang KPOP Idol sa South Korea at makalipas ang dalawang taon ay ipinakilala na siya ng YG Entertainment bilang miyembro ng 2NE1.

Sa paglipas ng panahon, kahit na naging sikat na sa buong mundo si Sandara Park ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang kaniyang pagmamahal sa bansa at sa mga Pilipino.

Bumibisita pa rin siya sa Pilipinas at hindi niya nakakalimutang lumingon sa kaniyang pinanggalingan. Dugong Koreano man si Sandara ngunit ang puso niya ay may lugar din para sa Pilipinas.