Sarah Lahbati, lumipad pa Switzerland kasama ang ina at mga anak para bisitahin ang ama

Sarah Lahbati muling nakasama ang kaniyang amang si Abdel Lahbati na mula sa Geneva, Switzerland. Nagpost si Sarah sa kaniyang Instagram account na naglalaman ng isang larawan kasama ang kaniyang mga magulang at dalawang anak.

@sarahlahbati instagram

“Reunited with papa hello, Geneva 🇨🇭,” ang caption ni Sarah sa Instagram post.
Mahigit isang taong hindi nagsama si Sarah at ang kaniyang ama dahil sa p@nd3mya.
Bago magtungo sa Switzerland si Sarah kasama ang kaniyang ina at mga anak ay nagpost siya ng mga larawan sa Instagram.

@sarahlahbati instagram

“so surreal being able to travel again.. excited to be reunited with my dad after more than a year of lockdown and being away from each other.” aniya sa post. Si Sarah Alzol Lahbati Gutiierrez o mas kilala bilang Sarah Lahabati na 27 taong gulang ay isang Swiss-Moroccan-Filipino aktres, dancer, at model.

@sarahlahbati instagram

Unang nakilala si Sarah noong 2009 nang manalo siya sa StarStruck na isang reality talent competition sa GMA network. Pero hindi alam ng nakararami ay bago pa sumali sa StarStrvck ang aktres ay gumanap na siya bilang anak ni Bong Revilla sa isang comedy show na pinamagatang Hokus Pokus noong 2005.

@sarahlahbati instagram

Sa taong 2011 ay ang kauna-unahan pagkakataon na bumida siya sa dramang Kokak.
Sa dramang Makapiling Kang Muli noong 2012 ay muli siyang bumida na gumanap bilang si Graciela Montes, kasama ang kaniyang asawa sa totoong buhay na si Richard Gutierrez.

@sarahlahbati instagram

Noong 2015 ay lumipat si Sarah sa ABS CBN at regular na nag-pe-perform sa ASAP na isang variety show. Matatandaan namang ikinasal si Sarah kay Richard noong Marso ng nakaraang taon matapos ang kanilang pitong taong relasyon bilang magkasintahan.

@sarahlahbati instagram

Sila ay unang nagkakilala nang gumanap sila sa isang drama noong 2012, at naging magkasintahan nang matapos ito. Sa taong 2014 ay pinakilala ng dalawa ang kanilang panganay na si Zion at noong 2018 ay pinanganak ni Sarah ang pangalawang anak na si Kai.

@sarahlahbati instagram