Scarlet Snow Belo, kinagiliwan ng mga fans dahil sa kanyang magandang artwork

Matatandaang noong 2017 ay ikinasal ang kilalang- kilala at magaling na doctor na si Dra. Vicky Belo at ang aktor na si Hayden Kho. Ang dalawa ay parehong kilalang personalidad sa mundo ng cosmetic at dermatology.

Dahil parehong magaling ang mga ito sa kani- kanilang field ng medisana kaya naman hindi maipag- kakailang maraming mga netizens ang nakakakilala sa mga ito.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Lalo na at si Dra. Vicki Belo ang founder at CEO ng Belo Medical Group na nag- lalabas ng mga magaganda at katiwa- tiwalang mga produkto at procedure sa pag- papaganda at iba pang resultang ninanais ng isang tao sa kanyang mukha at katawan.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Hanggang ngayon ay maganda at maayos pa rin ang relasyon ng dalawa lalo na ngayon na may kasama na silang plus one sa kanilang binubuong pamilya at ito ay ang unang anak nila na babae na ipinangalanan nila bilang Scarlet Snow Belo.

Matapos ang 11 taong relasyon ng dalawa ay ibinahagi ng mga ito ang kanilang 14-month-old na baby noong 2016 sa publiko na naging dahilan upang mas tumibay pa ang kanilang pagmamahalan at relasyon.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Kaya naman simula nang ipanganak si Scarlet ay talaga namang hands- on ang dalawa sa pagiging magaling at mabuting daddy at mommy sa nag- iisang anak.

Ngayon ay limang taon na ito at isa na ring Filipino celebrity endorser at social media personality kung saan nag- bibigay ito ng saya at good vibes sa kanyang mga fans at followers sa kanyang sariling Instagram account na may 4.9 milyong followers na ngayon.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Si Hayden ang nagbukas at gumawa ng Instagram account ni Scarlet matapos nitong i-reveal ang anak sa publiko na kaagad namang nagkaroon ng maraming followers kaya naman naisipan ng mga itong gawing instrumento ang Instagram upang i-promote ang good character at values sa iba.
Simula noon at hanggang ngayon ay ang mga achievements at moments ni Scarlet na ibinabahagi sa kanyang Instagram account ay nagiging pampa-good vibes ng kanyang mga fans at followers sa pang araw-araw.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Kamakailan-lamang ay ibinahagi ni Scarlet sa kanyang Instagram account ang kanyang bagong natutunan at hobby at ito ay pangdo-drawing. “This is my very first ever artwork that I did totally on my own. Thank you Teacher @cathyongtecodesigns for showing me new techniques.” Saad nito sa kanyang caption.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Siguradong proud na proud sina Vicky at Hayden sa na-achieve ng kanilang unica jiha lalo na at ito ang kanyang unang artwork na ginawa at hindi naman maipag-kakailang napaka-ganda at napaka-galing ni Scarlet sa pagdo-drawing at pagku-kulay dahil makikita naman ito sa naging resulta ng kantang artwork.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

“I want to be a master artist one day, drawing art that will make people feel happy and hopeful.” Dagdag pa niya. Ibinahagi rin nito ang kanyang pangarap na maging master sa larangan ng arts ngunit hindi lamang iyon dahil mararamdaman talaga sa kanyang caption kung gaano ito kabuting bata dahil pati sa pangarap nito ay kabilang pa rin ang pag-bibigay saya at pag-asa nito sa ibang tao.