Scarlet Snow Belo, nagkaroon ng kakaiba at masayang adventure kasama ang ama na si Hayden Kho

Hindi na lamang mga celebrity o mga indibidwal na kabilang sa industriya ng showbiz ang pinagkakaguluhan at inaabangan ng mga tao, dahil sa panahon ngayon ay inaabangan na rin ng karamihan ang mga everyday updates tungkol sa mga celebrity babies kaya marami na ring mga celebrity parents ngayon ang ginagawan na lang ng sariling account ang kanilang mga anak.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Dito ay ibinabahagi nila ang mga pictures at videos ng mga moments ng mga anak na hindi nila pinapalamapas at nais i-keep bilang memories. Ang mga babies na ito ay tinuturi na ring mga celebrities dahil sa pagiging sikat sa mga netizens pagkalabas na pagkalabas pa lamang nila sa sinapupunan ng ina.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Isa sa mga celebrity babies na inabangan at pinag-usapan agad simula nang siya’y ipakilala ng mga magulang sa publiko ay si Scarlet Snow Belo na anak ng mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo. Maaalalang siya ay na-conceive sa pamamagitan ng IVF method.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Kung bibisitahin ang kaniyang sariling Instagram account ay makikita ang knaiyang latest post niya kung saan ipinasilip niya ang mga captured moments sa kaniyang ATV Ride experience kasama ang kaniyang ama na si Hayden Kho. Ang nakalagay naman sa caption ay “We’re driving it like we st0le it and it’s so much fun (the driving, n0t the ste@ling, ok! It’s b@d to st3al)” na nagpapatunay na talaga nga namang na-enjoy ng mag-ama ang adventure na ito.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Makikita sa mga pictures na hindi lamang siya sumakay dito kundi sinubukan niya ring i-drive habang gina-guide siya ng kaniyang daddy. Ang adventure na kanilang nasubukan ay ang Sotera’s ATV Rides na located sa Chocolate Hills ng Carmen, Bohol. Makikita sa comment section ang message na “It was a pleasure to meet you and your family! Thanks for stopping by at Sotera’s ATV Rides ❤️” ng official account ng Sotera’s ATV Rides na nireplyan naman ni Scarlet ng “Thank you for having us! 😋”.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Makikita rin sa huling picture ng nasabing post na nakasabay nina Scarlet at Hayden ang magkasintahang vlogger na sina Rei Germar at Migy Romulo sa experience na ito.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Si Scarlet Snow Belo ay isang social media personality na naging ganap na celebrity endorser. Simula noon ay hindi lamang ang cuteness niya ang kinaaliwan ng mga tagasuporta kundi pati na rin ang katalinuhang mayroon siya sa murang edad.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Kilala rin siya dahil sa positivity at good vibes na hatid niya sa social media. Kasalukuyang mayroong 4.9 million followers si Scarlet sa kaniyang sariling Instagram account.