Seth Fedelin, magiging bagong karakter na talagang aabangan sa Ang Probinsyano

Kapag usapang teleserye, isa na sa mga longest running teleserye s ABS-CBN na hanggang ngayon ay babalik na sa digital airing ay ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.At sa pagbabalik nito, ay may bagong cast ito at isa na rito si Seth Fedelin. Gaganapin ni Seth ang role bilang si Macoy. Si Macoy ay isang binatilyo na may pangarap na maging pulis.

Credit: Seth Fedelin instagram

“Ang character ko po rito, ako po si Macoy, isa pong binatang probinsiyano. Si Macoy ay may ambisyon siya sa buhay niya, may pangarap siya. At ang pangarap niya ay maging pulis kagaya nina Cardo. Kaya doon po magmumula ang interes niya sa grupo ni Cardo,” paliwanag ni Seth.

Credit: Seth Fedelin instagram

Hindi daw ito inakala ni Seth at tuwang tuwa siya dahil bahagi na siya ng proyektong ito na mismong si Coco Martin ang aktor at direktor nito.

Credit: Seth Fedelin instagram

“Nakaka-proud na nakasama ako rito sa Ang Probinsyano. Siyempre sobrang saya na nakasama ko si Kuya Coco. At si Kuya Coco eh hindi lang basta pupunta ka para lang mag-taping. Kahit sa likod ng camera ay kakausapin ka niya. A-advise-an ka niya ng mga technique. Tutulungan ka niya. Napakabuting kuya po ni Kuya Coco,” dagdag pa ni Seth.
Wala namang mapaglagyan ang saya at tuwa ni Seth dahil karangalan ito sa kanya naging bahagi siya nito.

Credit: Seth Fedelin instagram

“Siyempre po masaya kasi another blessing para sa akin. Masaya dahil mayroon akong makikilalang mga bagong tao, bagong kaibigan,” ani pa niya.Bukod sa saya, may halo din namang kaba ang nararamdaman ni Seth bilang bago lang siya sa proyekto.

Credit: Seth Fedelin instagram

“Masaya po kaso may times na nahihiya ako siyempre bago pa lang, hindi naman po maiiwasan ‘yan. Pero masaya sila kasama lalo na sa likod ng camera, kapag nagba-bonding kami,” dagdag pa ng aktor.Nakilala si Seth bilang house mate ng Pinoy Big Brother na naging bahagi naman ng mga teleserye gaya ng Kadenang Ginto.

Credit: Seth Fedelin instagram