Seth Fedelin, pinakilig ang mga fans dahil sa kanyang napakasweet na birthday message kay Andrea Brillantes

Lahat nga naman ng kabataan ngayon ay talagang tinitilian at sinusundan ang tinatawag na The Gold Squad. Mula sa Kadenang Ginto, magpahanggang ngayon ay talagang todo todo ang kanilang suporta.

Kaya naman, ang isa sa mga pares na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes ay talaga nga namang nakakakilig sila on screen man o off screen. Pero, dahil nagdiriwang ng birthday si Andrea noong March 12 ay nagpaabot si Seth ng nakakakilig na mensahe.

Makikita sa post ni Seth ang larawan ni Andrea mula sa Metro magazine. Ayon kay Seth, “Happy 18th to my Ali, @blythe! Wish you the grandest day yet because you deserve the world and more.”
Sa isa namang post, mababasa na humingi ng pasensya si Seth dahil wala siya doon para maki celebrate.

“Sensya na wala ako mismo sa araw ng bday mo. Nakakalungkot,” saad niya. Dito naman inilahad ni Seth ang kanyang mga wish at mensahe para kay Blythe. “Sana ngayong 18 ka na hindi ka magbago kung ano ka sa mga tao. Maging bait ka palagi ha. At Ali wish ko sana lahat ng pangarap mo matupad mo as in lahat lahat at sana ako ang maging saksi mo doon sa mga pangarap mo.

 

“‘Pag okay na lahat Ali babawi ako kasi di ako makakapunta sa bday mo eh. HAPPY BIRTHDAY ALI KO. DITO LANG AKO PALAGI HA,” dugtong pa niya. Syempre, mula pa man din noong 2019 ay on screen partner na sila kaya naman ang mga netizens at fans ay kilig na kilig din.

At sa isang interview noon kay Andrea ay naamin din naman niya na espesyal si Seth sa kanya.
“Bilang tao, sobrang hinahangaan ko siya. Bilang si Seth, mahal ko po ‘yung pagkatao niya. Gusto ko po siya suportahan. Kapag narating niya ‘yung pangarap niya, gusto ko nandoon din ako,” saad ni Andrea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Saad naman ni Seth hindi daw nila minamadali ang mga bagay bagay dahil focus nilang pareho muna ang career. “Kasi kaming dalawa, alam namin ‘yung priority namin. Wala sa isip namin iyan. Sa akin, alam ko kasi na sige ako kapag ako na-in love sa ‘yo at naisipan ko talagang kunin ka, gagawin ko kung naramdaman ko ‘yon. Pero ngayon siguro, wala pa sa isip naming dalawa ‘yun kasi may goal kami,” saad naman ni Seth.