
Sino ba ang hindi humahanga kay Megastar Sharon Cuneta? Bukod sa kanyang ganda, galing sa pag-arte at pagkanta, nakilala din siya sa pagkakaroon niya ng busilak na puso kaya naman malapit ang loob ng lahat sa kanya.

Alam naman nating lahat na mahilig talaga si Sharon sa mga alahas, lalo na ang pangongolekta ng kanyang mga mamahaling relo.Lahat ng ito ay kanyang ipanakita sa atin sa pamamagitan ng kanyang vlog. Marami rin daw kasi ang nagrerequest na makita ito.

“It’s no secret that I’ve always been a big watch collector and since many of you have been requesting for this, I wanted to share some sentimental pieces and also the stories behind them,” kwento niya.

Ilan sa kanyang mga ipinakita sa kanyang vlog ay ang kanyang mga relo na 1950s vintage Rolex, 970s Corum, 1950s Girard-Perregaux, Ballon Bleu de Cartier, at mayroon pa siyang Rolex collection.

Ang bawat isa ay kanyang ipinakita at inilahad ni Sharon ang kwento ng bawat isa nito. Hindi naman sa nagmamayabang siya kundi ipinapakita niya ang kanyang mga “sentimental pieces.”

“Well, this is my collection, and part of it, and that not to br@g, that’s the truth, and that’s my life, and so I’ve shown you some sentimental pieces and why they’re important and some just because I love them. So I hope you enjoyed that,” saad pa ni Sharon.

Samantala, inaalay daw ni Sharon ang kanyang vlog sa kanyang mga bashers na pinag-isipan din daw niya bago niya gawin ang vlog na ito.“Sa b@shers, this is dedicated to you because it all started with my famous — I did not include it here, but it’s just there you might be saying I don’t have it — that one Gold Rolex watch that I posted in Instagram. And since that’s where this all started, so we gave it everything now. So this is for you,” pagpapatulo pa niya.

Pero, ang mas mahalaga dito ay ang kanyang mga fans na talaga namang nag request nito.
“But more than anything, this is for my Sharonians, who, back when I started in Twitter sometime 2012, were already asking ‘Please show us your watch collection.’ So I hope you enjoyed this and that it helped you get to know what means a lot to me also another side of me again.”