Sharon Cuneta, trending ngayon dahil sa kanyang binili na mamahaling LV dog collar para sa kanyang alagang aso

Kung dati ay mga tagabantay lamang ang ating mga alagang aso na tinatawag na “man’s bestfriend”. Ngayon, ay sila na ang nagiging bagong bunso ng pamilya. Talagang todo ang alaga at pinagkakagastusan ang mga cutie doggies ng pamilya.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Si Megastar Sharon Cuneta ay isa ding certified dog lover. Marami din siyang inaalagaan at inad0pt na mga dogs. Kaya naman, nang mayroong isang aso na lumapit sa kanya sa Olongapo City noong sila ay nagtataping ng pelikulang “Rev!rginiz3d” ay agad itong napamahal sa kanya.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Talaga nga namang mapapamahal ka sa aso dahil bukod sa napakacute ni “Pawi” ay napakalambing pa nito. Nang kasing makita niya si Sharon ay agad lumapit ito at idinampi niya ang kanyang ulo kay Sharon.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Kaya naman, gustong gusto na talagang i adopt ito ni Sharon at bibigyan niya ito ng masarap at mala prinsipeng buhay.

“Pawiboy, your collar is on its way home from Italy. Now I’m just waiting for you!” sambit ni Sharon.
Prinsipe na nga naman talaga ito dahil pinag order na siya ni Sharon ng isang Louis Vuitton na Baxter Dog Collar na halos nagkakahalaga ng 20,000 peso ayon sa eBay.

“SOMEONE FOUND THE DOG I FELL IN LOVE WITH IN OLONGAPO!!! Thank you from the bottom of my heart, Jervy Castillo of The H0m3less Dog Shelter in Subic! They found you, my doggie that was meant to be mine!” lahad ni Sharon.

Kaya naman, ngayom na nakita na niya ito ay talaga namang maibibigay ni Sharon ang lahat ng pangangailangan niya mula sa tahanan, pagkain at pamilya.

“You are safe now, baby boy. Mama’s here now and I will love you… I will make the rest of your years happy and you will NEVER have to search or beg for food again or a place to sleep where you would feel safe …Never have to p@nic to seek shelter from the rain and other elements,” dagdag pa ng Megastar.