Sheena Halili, pinasilip ang kanilang masayang pasko kasama ang napakacute nilang anak na si Baby Martina

Marami ang masayang masaya para sa couple na sina Sheena Halili at Jeron Manzanero. Matatandaang ikinasal ang dalawa noong February 2020 na kalaunan ay nabuntis si Sheena.

Credit: Jeron Manzanero instagram

At noong December 12, naisilang na ni Sheena ang kanilang panganay na anak na si Baby Martina. Napakacute ni baby at talagang mana sa kanyang mga magulang.

Credit: Jeron Manzanero instagram

Hanggang ngayon, di pa rin makapaniwala si Sheena na naisilang na ang kanyang anak.

“Hello, anak! Hanggang ‘di pa rin ako makapaniwala na nahahawakan at nayayakap na kita. Maraming salamat Lord at healthy kaming dalawa,” saad ni Halili.

Credit: Jeron Manzanero instagram

Kaya naman, sa isang post ni Sheena ipinakita naman niya sa atin ang kanyang baby Martina. Ito ang unang pasko nina sheena kasama na ang kanilang cute na cute na anak.

Makikita ang mga cutie pictures ni Baby Martina sa kanyang IG na mayroong halos 1 million followers sa IG. Naguumapaw sa good vibes at cuteness ang IG ni Sheena sa mga napakagandang larawan ni baby.

Credit: Sheena Halili instagram

Isa sa mga natutunan ni Sheena ay ang pagiging isang ina. Na ang pagiging ina ay isang malaking responsibilidad at walang ibang trabaho o propesyon ang makakatumbas dito.
Iba daw ang satisfaction na nararamdaman niya ngayong inaalagaan niya ang kanyang anak.

Credit: Sheena Halili instagram

“First morning in our home! Wala nang gaganda pa sa pagiging mommy. Kahit anong hirap, aminin natin, ang saya pag busog at sleeping na siya peacefully,” dagdag pa niya.

Lubos naman ang pasasalamat ni Sheena sa lahat ng mga doktor, nurses na tumulong kay Sheena sa kaniyang panganganak.

Credit: Sheena Halili instagram

‘ngayon ay natutulog na silang dalawa at habang pinag mamasdan ko ang mag-daddy masasabi ko na ito ang pinaka masayang pasko ko. Salamat Jesus at kahit ikaw ang dapat icelebrate namin ngayon ay ikaw parin ang nag bigay sa akin ng napaka gandang regalo, ang aking pamilya!

Unang pasko namin bilang mag-asawa ni Jeron, unang pasko rin ng aming anak ito.
I love you @jemanzanero and Martina 💖 habang buhay!

Maraming salamat, Jesus! 🙏🏻’