Singer na si Rachelle Ann Go kasama ang kanyang asawa na si Martin Spies, masayang inanunsyo na sila ay magkakaron na ng anak

Wala na nga namang mas sasaya sa mundo kapag malalaman mo na ikaw ay magiging magulang na. Lalo na kung first time parents ay talagang nakaka excite nga naman ito.

Credit: Rachelle Ann Go- Spies instagram

Gaya na lamang ng mag-asawang Rachelle Ann Go at Martin Spies na walang mapaglagyan ang tuwa ng malaman na buntis si Rachelle. Isa ito sa kanilang hiningi sa Diyos kaya naman prayer granted talaga ang mag-asawa.

Credit: Rachelle Ann Go- Spies instagram

Sa katunayan ay alam na nila ito ni Martin noong August 10 pa. Ngayon naman ay ibinahagi nila sa atin ang good news na ito sa pamamagitan ng kanilang vlog na ipinalabas noong Biyernes.

Credit: Rachelle Ann Go- Spies instagram

Ngayon, ay ito na ang kanilang first child kaya naman excited at masaya ang lahat para sa kanila.
“Finally we are expecting! I also don’t need to hide my tummy anywhere. Lagi ko tinatago,” saad ni Rachelle sa IG.

Hindi daw talaga nila inexpect ito at sa wakas ay magiging Mama at Papa na sila. Lubos ang kanilang kagalakan at pagpapasalamat dahil dito.

Credit: Rachelle Ann Go- Spies instagram

“We are so grateful for this new season, this new blessing. My gosh, I cannot believe it. I’m gonna be a mama, Mama Shin and Papa Martin,” dagdag pa niya.

Sa gender naman ni baby ay alam na nila ito pero di muna nila ito ibinahagi sa atin. Ibabahagi nila ito sa atin sa susunod na taon para sa kanilang gender reveal. Samantala, abala sila ngayon sa paghahanda at pagseset up ng magiging nursery at baby room ni Baby.

Matatandaang si Rachelle at Martin ay namamalagi ngayon sa London at sila ay ikinasal noong 2018.
Narito naman ang mga komento ng mga netizens na binabati ang mag-asawa.

“Happy for you Ms. Rachelle Ann Go, ๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜been admiring for years ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š. You’re truly blessed. Godbless you and your beautiful family. Stay safe ๐Ÿ˜˜”
“Congrats to both of you stay safe and your baby”
“Congrats,your are a blessed woman…god bless to both of you..”