Smokey Manaloto, proud na isa na syang ama ngayon sa edad na 51 taong gulang

Kilala mo pa ba ang aktor na si Smokey Manaloto?

 

Napapanood natin si Smokey sa kanyang mga pelikula na halos ay mga comedy movies. Matagal na ring artista si Smokey at hanggang ngayon ay napapanood pa rin siya sa TV.

Credit: @smokeymanaloto Tiktok

 

Ngayon, isa si Smokey sa mga cast ng seryeng “2 Good 2 Be True” na pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Siya ay gumanap bilang driver ni Lolo Sir bilang si Badong.
Pero, marami ang nakapansin na tila pawala-wala si Smokey sa serye, kaya naman ito ang kasagutan kung bakit.

Credit: @smokeymanaloto Tiktok

Masayang ibinalita sa atin ni Smokey na siya ay ganap ng isang ama. Sa kanyang edad na 51 years old, isang masayang revelation ang kanyang ipinahayag na kung saan dumating na sa kanyang buhay ang kanyang anak.

Credit: @smokeymanaloto Tiktok

Ipinakilala na sa publiko ni Smokey ang kanyang anak na si Baby Kiko, na kanyang anak sa kanyang
non-showbiz partner. Sa kanyang TikTok video, ibinahagi ni Smokey
ang mga larawan at mga videos niya bilang first-time father.

Makikita sa mga Tiktok videos niya mula pa noong mga unang linggo ng pagbubuntis ng kanyang asawa hanggang sa siya ay manganak noong August 4.

Credit: @smokeymanaloto Tiktok

“Sabi nila, ‘Wala ka nang pag-asa.’ Sabi nila, ‘Huli ka na sa byahe!’ Akala ko nga, huli na. Hindi pa pala! Ito na ‘yung something big na nangyari sa akin!” saad ni Smokey.

Credit: @smokeymanaloto Tiktok

Samantala, bumuhos naman ang mga pagbati mula sa mga kasamahan ni Smokey sa showbiz sa napakasayang blessing na ito. Ilan sa mga bumati ay sina Kean Cipriano, Roxanne Guinoo, at Eula Valdes.

Credit: @smokeymanaloto Tiktok

Narito naman ang mga komento ng mga netizens at pagbati para kay Smokey.
“Kaya pala nagpaalam kana naman kay lolo sir, kuya badong. Hehe congrats 🎉❤️”
“Kaya namn pala badong e😁congrats po😇”
“Kaya pala umaalis ka nanaman kay lolo sir hahahaha”
“Wow Congrats po.. God is Good😇😇”
“Congrats so cute Ng baby”

@smokeymanaloto First post!!! Welcome to my tiktok account! Enjoy!!! #thebigevent #firsttimedaddy #firstbaby #fyp #foryoupage #firstpost #smokeymanaloto ♬ What I Never Knew I Always Wanted – Carrie Underwood