Sofia Andres, pinakita ang kanyang Louis Vuitton birthday ootd pati nadin ang kanyang LV Cake

Ang ating mga kaarawan ang isa sa mga pinaghahandaang selebrasyon natin sa bawat taon dahil isang beses lamang sa isnag taon kung mangyari ito. Kaya naman todo paghahanda ang nakakarami upang ipagdiwang ang kaarawan natin at ng mga mahal natin sa buhay.

Credit: @iamsofiaandres instagram

Isa ang magaling at kilalang aktres na si Sofia Andres ang talaga namang pinaghandaan ang kanyang kaarawan ngayong taon. Kamakailan-lamang nang bigyan ni Sofia ang mga netizens at taga-hanga nito ng mga breath-taking pictures niya sa kanyang ika-23rd birthday.

Credit: @iamsofiaandres instagram

Sa kanyang Instagram account makikita ang mga napaka-gandang letrato nito upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Sa mga letrato ay pinakitaan niya ang mga netizens ng from head to toe Louis Vuitton birthday outfit na kilalang-kilala na luxury brand sa buong mundo. Hindi na bago sa mga mata ng mga netizens ang magagandang outfit ni Sofia dahil simula pa lamang ay talagang perfect na perfect na ang kanyang outfit na ibinabahagi nito sa kanyang Instagram account at kapag napapanood ito sa Philippine television.

Credit: @iamsofiaandres instagram

Ngunit ngayon ay talagang lalong pina-extra ni Sofia ang kanyang datingan dahil sa kanyang special day. Mula sa kanyang blonde bob cut na buhok ay ginulat niya ang nakakarami dahil hindi akalain ng mga ito na bagay na bagay ito ng aktres dahil malayong-malayo ang kanyang bob cut sa long hair nito noon.

Credit: @iamsofiaandres instagram

Buhok pa lamang ay solve na solve na ang mga mata ng netizens at taga-hanga nito dahil lalong tumingkad ang kanyang natural na ganda. Siyempre hindi mawawala ang kanyang ever gorgeous na outfit na talagang pinag-isipan at ni-ready nito para sa kanyang special day. Mula ulo hanggang paa, ang kilalang brand na Louis Vuitton ang suot-suot ni Sofia sa kanyang kaarawan.

Credit: @iamsofiaandres instagram

Sa kanyang pang-itaas ay nakasuot ito ng romantic white blouse na mayroong flared petal-shaped na mga sleeves at keyhole cutout ng signature flower logo ng Louis Vuitton. Sa pang-ibaba naman ay suot-suot nito ang monogram trousers ng LV din mismo.

Credit: @iamsofiaandres instagram

Sa mga iba pang letrato ni Sofia ay makikitang kasama nito ang napaka-gandang Louis Vuitton na bag na isang giant Onthego tote mula sa Wild at Heart collection ng Louis Vuitton at siyempre hindi mawawala ang kanyang brown sandals na galing din sa parehong kilalang brand.

Credit: @iamsofiaandres instagram

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Kaya naman hindi na nakakapagtakang nagkaka-halaga ng P388,000 ang kanyang buong birthday outfit dahil kilala at alam na alam ng nakakarami ang brand na Louis Vuitton.Nagkaroon din ang aktres ng isang napakagandang Louis Vuitton inspired design cake na terno mismo sa design ng kanyang LV Onthego tote na gawa ng  Amberlyns Kitchen.