Aktres na si Sunshine Cruz, ibinahagi ang ilan sa di malilimutang litrato nila ng kasintahang si Ismael Mathay para sa kanilang Anibersaryo

Sana all na lang ang talagang masasabi mo sa showbiz couple na ito, sina Sunshine Cruz at Macky Mathay. Napakabilis ng panahon dahil sila ay nagdiwang na ng kanilang 4th anniversary noong Sept 18.

Credit: Sunshine Braden Cruz Facebook

Sa apat na taon, makikita mo talagang marami na silang nabuong memories na magkasama. Hindi lang sila kundi maging kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan ng isa’t isa.Kaya naman, ibinahagi sa atin ni Sunshine ang kanilang kwento sa loob ng apat na taon sa pamamagitan ng 9 na larawan na ito..

Credit: Sunshine Braden Cruz Facebook

Bubungad nga naman sa atin ang unang photo na unang pagkikita nila.
“First photo was when I first saw you personally after texting and talking over the phone for a month. I was s!ck then and you asked if you could accompany me for my bl00d work. Lunch (and crispy pata) followed with our official 3rd wheel @chefosel,” saad ni Sunshine.

Credit: Sunshine Braden Cruz Facebook

Sumunod naman dito ang unang gabi na kasama nila ang kanilang mga kaibigan
sa Prive. Dito nakita nila ang manager ngayon ni Sunshine na si Arnold Vegafria.

Credit: Sunshine Braden Cruz Facebook

Sa ikatlo, ay ang unang event na magkasama at akala ng iba ay kasama ni Macky ang kapatid nito na si Ara Mina.

Credit: Sunshine Braden Cruz Facebook

Sa ikaapat at ikalima ay makikita mo nga naman talaga ang concern nila sa isa’t isa,
“4th photo, you had your ACL/MCL, meniscus t3ar svrgery. I visited you and even stayed overnight to take care of you. Wanted to be there for you everyday but I had commitments and work to attend to”

Credit: Sunshine Braden Cruz Facebook

“5th photo, I had my svrg3ry. You took care of me. Sobrang in p@in ako there kaya bin!gay mo ang kat@wan mo para sandalan ko. You never left my side not until I can function on my own”

Credit: Sunshine Braden Cruz Facebook

Sumunod naman dito ang kanilang movie date na kasama ang mga anak ni Sunshine na napakasaya nilang lahat.

Credit: Sunshine Braden Cruz Facebook

At siyempre, ang sumunod ay ang unang Valentine celebration nilang dalawa.“7th photo was our first Valentine together. You opted not to bring me to a fancy restaurant instead you brought me to my father’s fave steak place in San Juan. I always miss my dad. Kung nakilala ka nya alam ko magkakasundo kayo”

Credit: Sunshine Braden Cruz Facebook

Sumunod naman sa 8th at 9th ang Christmas at first New Year na magkasama.
Nakakatuwa nga naman talaga ang kanilang kwento. Napakaraming mga hindi makakalimutang events sa kanilang kwento.

Credit: Sunshine Braden Cruz Facebook
Credit: Sunshine Braden Cruz Facebook

Kaya naman, lubos ang pasasalamat ni Sunshine kay Macky,
“Sometimes, I still wonder if I am really deserving of you. I am just really happy that I listened to Sis Hazel (@therealaramina). That I should not close my doors on you and give myself and you a chance to know each other. Look at us now!”