Sweet little ate! Panganay ni Andi Eigenmann na si Ellie, nagbalik na sa Siargao

Ang panganay na supling ng Island girl actress Andi Eigenmann na si Ellie ay nagbalik na sa kanilang Isla sa Siargao, at bakas na miss na miss ang kapatid na si Lilo. Ang batang si Ellie ay galing sa kaniyang bakasyon kasama ang amang si Jake Ejercito, ngayon ay kitang-kita a pagkamiss nito sa kapatid na si Lilo.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Sa instructions stories ng iba nitong si Andi Eigenmann, ibinahagi niya ang nakatutunaw puso na tanawin ng dalawa niyang anak. Sa larawan ay makikitang buhat buhay ng panganay niyang si Ellie ang kapatid nitong si Lilo. Ingat na ingat si Ellie sa pagbuhat sa kaniyang kapatid na si Lilo, magkatitigan din ang dalawang magkapatid, na nakapagpadagdag ng pagmamahal na presensya sa naturang larawan.

Credit: Andi Eigenmann instagram

“That look of love! The sisters are finally reunited again!” saad ni Andi Eigenmann. Ang ama ni Ellie na si Jake Ejercito naman ay nagbahagi rin ng larawan kung saan makikitang mahigpit ang pagkakayakap nito sa anak. Ito ang sandali bago niya tuluyang ihatid ang anak sa airport nitong Lunes.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Bago ang araw bang pag-alis ng anak na si Ellie sa piling ng amang si Jake, araw ng Linggo, nagpost pa si Jake ng larawan kung saan mahimbing na natutulog ang magandang anak sa couch. “Last full day before she returns to her island life.” Saad nito kasama ang larawan.

Nitong buwan ng Marso ay ang unang beses na binisita ni Jake Ejercito ang isla ng Siargao, kung saan nagkaroon ng pagkakataon na makapagbonding sila ng anak na babae. Si Ellie na rin ang nagsilbing tour guide ng ama noong buwan na iyon.

Credit: Jake Ejercito instagram

Mula noon, napapadalas na ang pagbabahagi ni Jake Ejercito ng mga larawan at video kung saan makikita kung paano sinusulit ng mag-ama ang bawat sandali na magkasama sila, lalo na ang pag-eenjoy nila sa isla. Ipinapakita rin nila ang kanilang mga cute na TikTok videos.
Sa pagiging magulang ng kanilang 9 years old na panganay na babae, sinabi ni Andi na sila ni Jake ay “on the same page” at “seeing eye-to-eye”.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Si Ellie ay ang panganay na anak ni Andi Eigenmann kay Jake Ejercito, may kapatid itong si Lilo at Koa, na anak naman ni Andi sa fiancé nitong professional surfer na si Philmar Alipayo.