Sweet na sweet na mga litrato nina Bea Alonzo at Dominic Roque, nagpakilig nanaman sa mga fans

Kailan lamang nang ibahagi ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account ang mga pasilip sa kanyang naging vacation sa United States of America. Sa isa sa kanyang mga mga posts, makikita ang ibinahaging groufie ni Bea.

Credit: Dominic Roque

Ito ay isang top sh0t picture kung saan makikita ang aktres at kanyang rumored boyfriend na si Dominic Roque pati na rin ang dalawa pa nilang kaibigan. Ang caption ng post ay isang quote galing kay John Muir na “And into the forest I go, to lose my mind and find my soul”.

Credit: Bea Alonzo instagram

Masasaksihan naman kung gaano ka-sweet ang dalawa. Nakaback hug si Bea kay Dom. Makikita naman na nakahawak si Dom sa bandang kamay ni Bea. Pinag-usapan ito at nagpakilig ng mga supporters at iba pang netizens dahil kitang kita sa top shot picture kung gaano talaga ka-close sa isa’t isa si sina Bea at Dominic.

Credit: Bea Alonzo instagram

Kung noon ay sobrang lowkey lang ng dalawa pagdating sa kanilang pagsasama, ngayon naman ay unti unti nang nagiging showy ang dalawa. Si Dominic at Bea ay madalas nang magpost ng mga pictures kung saan makikita ang bawat isa. Mapapansin din na napadalas ang kanilang public interaction sa isa’t isa tulad na lamang ng pagpapalitan nila ng mga cute comments sa post ng bawat isa.

Credit: Dominic Roque

Ang picture na ito ay na-capture nang sila ay mag camping sa Auto Camp sa California’s Yosemite, USA. Hindi lamang sa camping nagsama sina Bea at Dom dahil sa 31st birthday celebration ni Dom ay hindi lamang mga pamilya at kaibigan ang kanyang mga nakasama kundi pati na rin ang aktres.

Credit: Dominic Roque

Kamakailan lang naman nang si Bea ay magpost na pauwi na siya ng Pilipinas. Ayon sa kanya, nagustuhan niya ang kanyang bakasyon kaya wala pa man ay nagpaplano na ito ng next trip niya. Gayunpaman ay nasabi niya ring matagal tagal pa masusundan ang last vacation niya dahil magtatrabaho muna ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Maaalalang last month lang nang lumipad si Bea papuntang Los Angeles. Nangyari ito pagkatapos na pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa nilipatan niyang network na GMA. Plinano talaga ni Bea Alonzo na magbakasyon muna bago sumabak sa mga projects na naghihintay sa kanya sa GMA Network. Ngayon ay nasa Pilipinas na ulit ang aktres. August 3, nang siya ay makabalik sa bansa.