Talitha Sotto, kinagiliwan ng mga netizen dahil sa galing sa pagbibilang gamit ang 6 na iba’t ibang lengwahe

Kilala si Baby Tali bilang napakabibo, napaka cute at nakaka good vibes na celebrity kid. Lahat nga naman ay kilala siya lalo na at siya ay anak ng mga TV hosts na sina Vic Sotto at Paulene Luna.
Talented talaga itong si Baby Tali. Makikita sa mga social media posts ng kanyang mga magulang, ang kanyang talent mula sa pagkanta at pagsayaw.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram 

At ngayon, ay may bagong talent na ipinamalas si Baby Tali sa atin. Ang tatlong taong gulang na si Tali ay mapapanood na nagbibilang from 1 to 10 sa iba’t ibang lengguwahe. Anim na wika mula sa Spanish, French, Japanese, Chinese, Tagalog, at English ang alam ni Tali. Para sa isang bata na 3 years old, ay talagang nakakabilib nga naman talaga ito.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram 

“Just another afternoon at home with my little miss,” saad ni Pauleen. Makikita dito sa IG na magkasama ang mag-ina na naglalaro ng toy baking set. “So we have our food in the oven, inside, and while waiting, we’re gonna count,” saad ni Pauleen.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram 

Matapos nito, ay nagbilang si Tali ng napakalakas mula 1 to 10 sa iba’t ibang lengguwahe.
Makikita din dito si Vic na lumitaw at nagbiro pa ng magbilang si Tali sa Tagalog at sinabing “sampu”. Saad ni Vic, “Shampoo with conditioner!”

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram 

Ang ilan naman sa mga sinasabi ni Tali ay binibigyan ng konting hint ni Pauleen para matuloy tuloy ni Tali ang kanyang pagbibilang. Matapos magbilang, inilabas naman nila Pauleen ang kanilang nilutong pagkain at paglabas nito ay blueberry juice.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram 

Tuwang tuwa naman ang kanilang mga fans at mga netizens. Narito ang kanilang mga komento:
“so cute baby tali and so smart😘😘😘💞 GOD bless ..” “Overload cute mo tali.. Super talino pa 🥰🥰🥰🥰” “Bukod sa napaka cute eh matalinong bata dn” “Keep it up baby tali😘”
“Ako na natutong bumilang sa i-sa dala-wa, tat-lo cha”