Talitha Sotto, nag walk out habang nagbabasa sila ng libro ng kanyang ama na si Vic Sotto

Isa sa mga bonding na hilig ng mga bata ay ang binabasahan sila ng mga story books. Lalo na sa mga batang hindi pa nakapagbabasa.

Credit: PH BUZZ TV YOUTUBE

Interesado talaga sila sa mga story books o mga bagay na makulay at mga nakikita nila. Kaya naman, ang mga magulang o mga ate’t kuya ang walang sawang nagbabasa ng mga story book para sa kanila.

Credit: PH BUZZ TV YOUTUBE

Magandang bagay din ito dahil nagiging malikot ang kanilang imahinasyon at mas nagiging matalas ang kanilang isipan. Ito din ang unang hakbang para maging interesado sila sa pagbabasa at pagkatuto.

Credit: PH BUZZ TV YOUTUBE

Kaya naman, ang bubbly at matalinong anak ni Vic Sotto at Paulene Luna na si Baby Tali
ay todo din ang pagkabibo. Matatandaang kamakailan lang ng siya ay tila nagbabasa ng libro.

Credit: PH BUZZ TV YOUTUBE

Pero, sa totoo pala ay memoryado niya ang kanyang binabasa kaya nagmumukha siyang nagbabasa. Hindi ba’t talagang magaling at matalino itong si Baby Tali.

Credit: PH BUZZ TV YOUTUBE

Sa isang video naman ay makikita ang father and daughter bonding ng dalawa na kung saan pinagbabasa ni Vic ng isang story book si Tali. Masayang binabasa ni Vic ang librong, ‘The Very Hungry Catterpillar’ kay Tali.

Credit: PH BUZZ TV YOUTUBE

Hanggang sa kalagitnaan ng pagbabasa ni Vic ay bigla na lang umalis si Tali na tila nag walk out. Labis na ikinatawa naman ng mga netizens ang pag wawalk out na ito ni Baby Tali.

“Hoy, di pa tapos, Ta. Di pa tapos,” sabi naman ni Vic sa kanyang anak.

Credit: PH BUZZ TV YOUTUBE

Napaka cute nga naman talaga nilang tignan na mag-ama. Para sa isang bata, napakahalaga ang oras na mayroon ang isang magulang para sa kanyang anak.

Credit: PH BUZZ TV YOUTUBE

Bawat oras kasi lalo na para sa isang bata ay napakahalaga at talagang bahagi ng kanilang paglaki ang mga oras na inilalaan ng ating mga magulang.

Credit: PH BUZZ TV YOUTUBE

Kaya naman, bibong bibo talaga itong si Tali na siguradong nagmana sa kanyang mommy at daddy.