Thowback photos nina Sharon Cuneta at KC Concepcion, kinagiliwan ng mga netizens

Kilala niyo pa ba ang nasa larawan?

Throwback ang peg ngayon ni Megastar Sharon Cuneta matapos niyang ipost sa kanyang IG ang larawan nila ng kanyang anak na si KC Concepcion.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Lumang litrato ito na kung saan makikita si Sharon na bitbit bitbit pa si KC. Mukhang wala pang isang taon si KC sa picture at makikita ang napakasayang si Sharon. Mukhang mag-iisa o higit sa isang taon pa lamang dito si KC.

Napakacute nga naman talaga ni KC. Bata pa lamang si KC, napakaganda na talaga niya. Siyempre, pinaghalo nga namang Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, siguradong napakaganda nga naman talaga ng kanilang supling.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Kaya, no doubt at ng lumaki si KC ay talaga namang napakaganda nito. Kanino pa siya magmamana kung hindi sa kanyang mga magulang. Kapansin-pansin dito si Sharon. Noon pa man, talagang napakaganda na ni Megastar. At dito ay makikita na kahit nanganak na ay balingkinitan pa rin ang katawan ng Megastar.

Makikita nga naman dito kung gaano kasaya si Sharon sa pagdating ni KC sa kanyang buhay. Isa si KC sa mga life’s treasure ni Ate Shawie. Marami ng mga interviews noon ang makikita nga namang napaka protective niya talaga sa kanyang anak.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Isa nga namang mapagmahal at maalagang ina si Megastar. No doubt na napalaki niya ang kanyang mga anak ng kanyang aruga at pagmamahal. Makikita naman na hindi lang si KC maging ang iba pang anak ni Sharon na talagang lumaking mababait at may tak0t sa Diyos.

Sa ngayon, masaya si Sharon sa kanyang career at tinutuloy ang pag-arte. Mapapanood ngayon si Ate Shawie sa Ang Probinsyano. Maraming mga fans at netizens ang natuwa nang siya ay maging bahagi nito dahil mapapanood ulit sa primetime si Sharon.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Marami pa din hanggang ngayon ang nagmamahal kay Sharon. Di naman ito nakapagtataka dahil talagang mabait at mapagmahal din naman itong si Sharon.