Throwback photo ng komedyanteng si Pooh, nagbigay saya sa mga netizens

Napakahalaga para sa bawat indibidwal ang kumuha ng mga pictures sa kasalukuyang mga pangyayari dahil ito ay magsisilbing mga memories na maaring balikbalikan nang kahit na ilang ulit sa future.

Credit: @pooh_tik instagram

Sa mga naunang henerasyon, bihira lamang ang pagkakaroon ng mga pictures dahil hindi pa ganon kauso noon ang mga camera kaya naman napakalaking bagay na kung mayroon kang mga captured-moments noon na maaari mong balik balikan at kung saan maaari mo ring namnamin ang memoryang kalakip nito.

Credit: @pooh_tik instagram

Kung bibisitahin ang Instagram account ng sikat na komedyanteng si Pooh ay makikita ang litratong ibinahagi niya. Sa latest post niya ay hindi lamang ang kanyang kabataan ang memoryang kanyang nabalikan, kundi pati na rin ang memory nang hindi pagkakaroon ng mataas na hairline.

Credit: @pooh_tik instagram

Ang mababasa naman sa caption ng post ay “Sino nagsabi na pan0t ako??? 🤣🤣🤣🤣 #early90s pasok b@shers!! Hahahaha”. Ito ay isang throwback picture na mukhang nakuhanan noong mga panahong siya ay binata pa o isang teenager. Simpleng white t-shirt ang suot ni Pooh habang naka poker face.

Credit: @pooh_tik instagram

Kitang kita sa litrato kung gaano ka labong at kakapal ang buhok ng komedyante noong mga henerasyong iyon. Makikita sa comment section ang mga kanya- kanyang entry ng mga comments ng mga netizens pagdating sa post. Pinasukan rin ito ng ilang mga celebrities o mga kaibigan ni Pooh sa industriya ng Showbiz.

Credit: @pooh_tik instagram

Isa sa mga celebrities na nagcomment ay si Nikki Valdez. “Marsssss!!!!” na may isang laughing emoji ang makikita sa comment niya. Tila halo halong emosyon ang nais ipahiwatig ni Nikki, natatawa at nagulat din. Nagcomment rin naman si Kaye Abad Castillo ng “Ang kapal ng buhok mo mars!!!!!!”. May dinagdag din siyang pabirong tanong na “Saan napunta?”

Credit: @pooh_tik instagram

Makikita namang pabiro rin itong ni reply-an ng komedyante. “Nasa mga kamay na nila! 🤣🤣🤣” ang mababasa sa kanyang reply. Aliw na aliw at namangha rin naman ang ibang mga netizens nang makita ang nasabing post. Hindi nila maiwasan ikumpara ang buhok ni Pooh noon sa buhok niya ngayon.

Credit: @pooh_tik instagram

Si Pooh ay nakilala sa showbiz industry sa angking galing na ipinamalas niya pagdating sa pagpe-perform at lalo naman sa pagpapatawa. Isa rin naman sa mga tumatak o natandaan ng mga tao sa kanya ay ang kanyang Iconic hairline at hairstyle.