Throwback photos nina Billy at Coleen Crawford, kinagiliwan ng mga netizens

Matatandaang matagal-tagal ding pinag-usapan ang naging panganganak ng aktres na si Coleen Garcia sa unang anak nila ng kanyang asawa na si Billy Crawford dahil talagang tumatak sa isipan ng mga netizens ang naging kakaibang paraan ng panganganak nito.

Credit: crawfords_love instagram

Water birth ang ginawang panganganak kay Coleen na malayong-malayo sa tradisyonal na panganganak ng mga ina kaya naman umani ito ng maraming reaksiyon mula sa madla nang malaman ng mga ito kung paano nanganak ang aktres.

Credit: crawfords_love instagram

Napaka-bilis nga namang dumaan ng panahon at kailan lamang nang pag-usapan ang panganganak ni Coleen at ngayon ay mapapansin na kung gaano na ka-laki si Baby Amari.

Kamakailan-lamang ay ipinagdiwang na ng pamilyag Crawford ang ika-11th month ni Baby Amari at ilang araw na lamang at mag-iisang taon na ito.

Credit: crawfords_love instagram

Mapapansin sa mga letratong ibinabahagi nina Coleen at Billy sa kani-kanilang mga Instagran account na unti-unti nang lumalaki bilang little boy ang kanilang baby. Kaya naman makikita na sa bawat buwan na dumadaan ay mas lalong lumalabas ang kanyang ka-cute’an at ka-gwapuhan na nakuha nito sa kanyang mga magulang.

Credit: crawfords_love instagram

Siyempre, hindi na bago sa mata ng mga netizens ang kagandahan at ka-gwapuhang taglay nina Coleen at Billy na namana mismo ng kanilang unico hijo. Mula pala pagka-bata ay talagang mapapansin na ang kanilang taglay at natural na ganda dahil tulad ng kanilang anak, cute na cute rin ang mga ito habang lumalaki.

Credit: crawfords_love instagram

Lalong napatunayan ito nang magbahagi ng mga baby pictures nina Coleen at Billy ang isang fan page ng pamilyang Crawford sa Instagram kamakailan-lamang.
Nagbahagi ang mga ito ng mga cute na cute na letrato nina Coleen at Billy noong bata pa lamang ang mga ito.

Credit: crawfords_love instagram

Hindi na nakakapag-takang lumalaking cute at gwapo si Baby Amari dahil ang kanyang mga magulang ay gwapo at maganda na simula bata pa lamang.
Ngayon pa lamang na bata ito ay marami nang netizens ang kinagigiliwan si Baby Amari dahil sa kanyang mga cute na cute na letrato at makukulit na mga video.

Credit: crawfords_love instagram

Kaya naman siguradong sa pag-laki ni Baby Amari ay magkakaroon ito ng maraming taga-hanga dahil sa kanyang natural na cuteness at heartthrob na itsura na nakuha niya mismo sa kanyang mga magulang.

Credit: crawfords_love instagram