Tignan ang b0nggang regalo ni Neri Miranda para sa birthday ng kanyang asawa na si Chito Miranda

Noong Lunes, ang “wais na misis” na si Neri Naig, asawa ni Chito Miranda ay masayang ibinahagi ang kanyang bagong yate. Isa nga namang bagong yate ang mayroon ngayon ang mag-asawang Neri at Chito. Hindi ba’t mapapa sana all ka nalang talaga sa kanila.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

Alam naman natin kung paano nga naman nagsikap ang mag-asawang ito lalo na noong panahon ng p@nd3mya. Sa gitna ng hir@p na kumita dahil marami ang nawalan ng trabaho, naging madiskarte at talagang ginawa nila ang lahat para kumita.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

Ngayon, nagbunga ang lahat ng ito. Bunga ang yate na ito sa kanilang sipag at tiyaga. Nakakabilib nga naman itong mini yacht nila na ito.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

Kaya naman, proud na proud talaga si Neri sa kanilang bagong yate.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

“Happpppy birthday, baby ko! Surpriiiise! 😁 May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang , pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe! Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!,” saad ni Neri sa kanyang IG.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

Pinandigan na nga naman talaga ni Neri ang pagiging wais na misis. Ayon sa kanya, hindi lang naman ito for personal use kundi ipaparent din naman niya ito.

“Syempre bilang wais na misis, ipaparent din namin to soon! Para makabawi-bawi naman kahit paano hahaha! Buti nalang may mga business partners ako dito hehe!,” saad ni Neri.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

Margarita naman daw ang pangalan ng yateng ito. Girl daw ito dahil may baby boy na sila.

“Anong name ng yate? Syempre, “Margarita”! Since hindi girl ang naging baby namin, dito na lang namin ipinangalan, hehe!,” kwento niya.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

Sa mga nagtatanong naman kung kailan ipaparent ito, narito naman ang pahayag ni Neri.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

“Follow @margaritayacht para malaman nyo soon kung kailan pwede nang i-rent. Stay kayo sa @mirandasbeachcondo tapos rent kayo sa @margaritayacht para mas masaya ang vacation nyo sa dagat. Wala pa kaming jetski, pero balak ko na rin pag-ipunan. Next time muna…sagad na bulsa ko 😅,” dagdag pa niya.

Credit: @mrsnerimiranda instagram