Tignan ang bagong hairstyle ng napakagandang aktres na si Jane De Leon

“Darna!”

Iyan ang pangalan na matagal nang hindi naririnig na isigaw sa telebisyon. Ilang dekada na rin ang lumipas simula nang mahumaling ang mga Pinoy sa kwento ng superhero na si Darna.

Mula sa napakadaming mga bersyon ng kwento ni Darna, talagang inaabangan ito sa pelikulan man o sa anumang teleserye. Iyan ang kapangyarihan ng isang Darna. Ngayon, muli na namang lilipad si Darna.

Credit: @imjanedeleon instagram

Handa ng lumipad ang Kapamilya actress na si Jane de Leon na napasahan ng bato. Marami tuloy ang curious kung magiging short haired ba si Darna dahil nagpaikli ng buhok si Jane ngayon sa kasagsagan ng sh00ting nito.

Credit: @imjanedeleon instagram

Bagay na bagay naman kay Jane ang short hair niya na makikita sa IG. Banggit pa niya, para daw ito sa isang role na di naman niya sinabi kung ano.

“Cutting my hair for a role? Definitely did it!” saad ni Jane #NEWLOOK at #ShortHair.
Kahit ano pa man, isang sorpresa ang lahat ng ito at syempre ay support all the way naman ang lahat para kay Jane.

Credit: @imjanedeleon instagram

Credit: @imjanedeleon instagram

Muntikan man itong di matuloy, at naging palaisipan kung sino ang magiging Darna. Marami ang natuwa at naging masaya nang malaman ang balita na si Jane ang gaganap dito.

“May masaya po kaming ibabalita sa inyong lahat. Tuloy na tuloy na po ang paglipad ni Darna. At ang gaganap bilang Darna ay walang iba kung hindi si Ms Jane de Leon na patuloy nagpapakita ng sipag at determinasyon sa paghahanda sa muling paglipad ni Darna,” lahad nila.

Credit: @imjanedeleon instagram

Kasama dito ni Jane sina Zaijian Jaranilla bilang si Ding; Joshua Garcia, Iza Calzado, at Janella Salvador bilang si Valentina, Rio Locsin, Kiko Estrada, Simon Ibarra, Young JV, and Joj Agpangan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

Sa ngayon, sila ay nag shosh00ting sa San Jose del Monte, Bulacan. Matiyaga namang hinihintay ng lahat ang paglabas ng most awaited TV series na ito.