Tignan ang bongga pero intimate na birthday party ng bunsong anak nina Isabel at John Prats na si Forest

Sino nga ba ang hindi nakaka-kilala sa magkapatid na Prats sa mundo ng showbiz? Ito ay sina Camille Prats at John Prats na parehong pinasok ang showbiz sa murang edad pa lamang. Kaya naman maraming netizens at all-time viewers ang nakaka-kilala sa mga ito at isama mo pa ang kanilang natural na galing sa pag-arte.

Credit: Pratty TV Youtube

Matapos ang ilang taong pananatili sa mundo ng showbiz, hindi na bago sa kaisipan ng mga Pilipino at netizens ang pagkakaroon ng sari-sariling pamilya ng magkapatid kung saan parehong masaya na ang mga ito sa kanilang nabuong pamilya. Matatandaang noong 2015 ay ikinasal na si John Prats sa dating aktres na si Isabel Oli ngunit bago ikinasal ang mga ito ay nagkaroon muna sila ng dalawang taong relasyon bilang magboyfriend at girlfriend.

Credit: Pratty TV Youtube

 

Ngayong Mayo lamang sa taong 2021 ay ipinagdiwang na ng mga ito ang kanilang ika-anim na taong anibersaryo ng kanilang kasal. Sa anim na taong pag-sasama bilang mag-asawa ay nabiyayaan na ang mga ito ng tatlong anak at ito ay sina Feather, Daniel Freedom at Forest.

Credit: Pratty TV Youtube

Noong Hulyo sa taong 2020 lamang ipinanganak ni Isabel ang kanilang pangatlong anak ni John Prats at tulad ng kanilang first baby, isa rin itong baby girl at ipinangalanan nila ito bilang Baby Forest.
Hindi nagtagal at isang taon na nga si Baby Forest dahil kamakailan-lamang ay ipinadiwang na nina John Prats at Isabel Oli ang unang kaarawan ni Baby Forest.


Credit: Pratty TV Youtube

Ibinahagi ni Isabel ang mga letrato ng naging kaganapan sa first birthday party ng kanyang bunsong anak sa Instagram account nito. Teddy bear-themed party ang naging tema ng birthday party ni Baby Forest na talagang nagustuhan nito base sa mga letratong ipinost ni Isabel.

Credit: Pratty TV Youtube

 

Tanging mga malalapit na pamilya at kaibigan lamang ng dalawa ang makikita sa naging birthday party ni Baby Forest ngunit kahit na ganoon, nag-enjoy naman ang pamilya ni John Prats at masayang-masaya sa kinalabasan ng party.

Credit: Pratty TV Youtube

Makikita rin sa mga letrato na naaka-suot pa ang buong pamilya ni John at Isabel ng matching gray na damit. Ang mga babae ay naka-suot ng gray overalls samantalang ang mga lalaki naman na sina John at Freedom ay nakasuot ng gray na polo.

Credit: Pratty TV Youtube

“Pssst! New VLOG up!!! Check out our YouTube channe: Pratty TV or link BIO” saad ni Isabel sa kanyang latest post ng naging birthday party ni Baby Forest. Dahil ang iba pang details at naging behind the scenes na kaganapan sa kaarawan nito ay makikita at mapapanood sa kanilang mismong Youtube Channel kung saan mapapanood din ang iba pang journey ng kanilang pamilya.