Tignan ang gwapong si Baby Joaquin na nagdiwang ng kanyang ika-11 na buwan

Sa matagal na pananatili ng bawat indibidwal sa kani-kanilang mga bahay, isa sa kanilang mga naging aliwan ay ang pag-abang ng mga updates tungkol sa mga cute na celebrity babies sa social media.
Kaya naman karamihan sa mga ito ay nasubaybayan pati na ang paglaki ng mga anak ng mga celebrities.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Isa sa mga kilalang celebrity babies na inaabangan rin ng maraming netizens ay ang anak nina Dianne Medina at Rodjun Cruz na si Rodolfo Joaquin Diego Medina Ilustre III. Nitong buwan lang ng Agosto ipinagdiwang ang 11th month ng baby. Minarkahan naman ng mga celebrity parents na sina Dianne at Rodjun ang mahalagang araw na ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng simpleng pagdiriwang.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Sa Instagram ni Dianne, ibinahagi niya sa isang post ang ilang mga pictures na nakuhanan sa araw na iyon. Ipinasilip ng celebrity mom ang mga solo pictures ng kanyang baby boy. Makikita sa mga ibinahaging pictures ang napaka-cute na si baby Joaquin na may outfit na terno. Mayroon ding nakapatong na Royal costume sa kanya kaya naman tila isang “King” ang dating ng baby.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Sa caption ng nasabing post, binati ni Dianne ang kanyang anak at ipinarating kung gaano niya kamahal ito. “Happy 11 months my little prince my @babyjoaquinilustre ❤️ mahal na mahal kita anak!”

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Habang naka-upo si Joaquin sa sofa ay nasa tabi naman niya ang kanyang king-themed cake. Hindi naman napigilang matakam ang baby boy sa tabi niyang cake. Masasaksihan sa isang picture kung paano hindi napigilang tikman ni Joaquin ang cake.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

“Thank you @sweets_bytash for the Royal themed cake! Thank you @serenityvibekidsph for baby joaquin’s terno top and jogger pants!” dagdag ni Dianne sa caption. Hindi niya nakalimutan pasalamatan ang gumawa ng mga number cakes ni Joaquin at nagbigay sa suot nitong damit.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

“Ang cute ni Joaquin napagod sa pictorial” ang pagtatapos naman ni Dianne sa caption kung saan tinutukoy niya ang mga pictures sa bandang huli sa nasabing post. Mapapansing sa bawat lipat sa mga pictures na naka-attach sa post ay nag-iiba na ang mood ni Joaquin, dahil umano ito sa pagod.
September 10, 2020 ipinanganak si baby Joaquin Ilustre III.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Matatandaang kapanganak pa lamang niya ay sinubaybayan na siya dahil sa taglay niyang cuteness.
Napakabilis nga naman ng panahon at sa susunod na buwan ay 1 year old na si baby Joaquin.