Tignan ang maganda at masayang pamilya nina Gladys Reyes at asawa nitong si Christopher Roxas

Ang pamilya ang isa mga pinagkukunan ng lakas ng bawat Pilipino, sila rin ang nagsisilbing inspirasyon upang tayo ay magpatuloy sa buhay. Kaya naman lubos ang pagmahahal at pagsisikap ang ibinibigay ng bawat miyembro ng pamilya upang mapanitiling matibay ang kanilang mga relasyon sa isa’t isa.

Credit: Gladys Reyes-Sommereux instagram

Tulad ng iba pang mga pilipino, ang kilala at magaling na aktres na si Gladys Reyes ay masayang-masaya sa kanyang malaking pamilya. Dahil sila ang itinuturing nitong lakas at inspirasyon upang mag-trabaho at maging mas magaling pa na aktres.

Credit: Gladys Reyes-Sommereux instagram

Matatandaang unang nakilala si Gladys sa pagiging magaling na aktres nang maging parte ito ng kilalang teleserye na “Mara Clara” noong 90’s at isa to sa mga lead role ng naging serye. Gumanap ito bilang Clara na talagang nagpa-usbong ng kanyang career sa showbiz.

Credit: Gladys Reyes-Sommereux instagram

Matapos nitong maging parte sa kanyang home network na ABS-CBN ay napagdesisyunan nitong lumipat sa GMA network kung saan mas nakilala pa ito ng nakakarami dahil sa mga maraming oportunidad at proyekto na nagbukas para rito.

Credit: Gladys Reyes-Sommereux instagram

Kaya naman hindi na nakakapag-takang hanggang ngayon ay patuloy pa rin na umaarangkada ang kanyang career sa GMA network at hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang galing nito sa pag-arte na umani na ng maraming rewards noon pa man. Sa gitna ng pag-arangkada ng career ni Gladys ay natagpuan at nakilala nito ang kanyang makakasama sa buhay at ito ay ang magaling na aktor din na si Christopher Roxas.

Credit: Gladys Reyes-Sommereux instagram

Hanggang ngayon ay mayroon pa ring matibay na relasyon ang dalawa dahil kamakailan-lamang nang magdiwang ang mga ito ng kanilang ika-17th anibersaryo. At ngayon ay mayroon nang apat na anak ang mga ito at halos sakanila ay dalaga at binata na. kaya naman lalong pinagtitibay ng panahon ang kanilang pagmamahalan lalo na at kasama nilang lumalaki ang kanilang mga anak.

Credit: Gladys Reyes-Sommereux instagram

Kamakailan-lamang ay nagbahagi si Gladys sa kanyang Instagram account ng kanilang napaka-gandang family picture. “Have a str3ss-free weekend with your family and loved ones.” Saad nito sa kanyang caption.

Sa kanilang family picture ay makikitang bawat miyembro ng kanilang pamilya ay mayroong suot na matching clothes kung saan nagpapatunay na mayroong magandang relasyon ang mga ito sa isa’t isa dahil go na go ang kanyang mga anak sa kanilang cute na cute na mga matching clothes.

Mapapansin na binata at dalaga na ang kanyang dalawang anak at hindi na magtatagal at pati ang kanyang dalawang anak na lalaki ay magiging teenager na rin. Napaka-ganda nga naman tignan ng kanilang pamilya dahil bawat miyembro ay mayroong napaka-tamis na ngiti sa kanilang labi at maaliwalas na mukha.