Tignan ang magandang birthday party ng anak ni Ciara Sotto na si Crixus

Kilalang aktres at vlogger si Ciara Sotto. Masaya ngayon si Ciara sa piling ng kanyang anak at pamilya.
Kamakailan lang nang magdiwang ang anak ni Ciara na si Vincezo Xose, o kilala din bilang si Crixus, na nagdiwang ng kanyang birthday noong weekend.

Credit: @pinaypole instagram

 

Mapapanood sa mga posted photos ni Ciara sa social media ang ilan sa mga larawan ng masayang selebrasyon ng birthday ni Crixus. Napakacute nga na isang Call of Duty-themed birthday party na dinaluhan ng kanyang mga pamilya at kamag-anak. Prayoridad pa rin ni Ciara ang safety ng anak lalo na at may p@nd3mya pa rin.

Credit: @pinaypole instagram

Siyempre, makikita sa okasykn ang magulang ni Ciara na sina Tito at Helen Sotto, dinaluhan din ito ng kanyang uncle na si Vic Sotto at ang asawa’t anak ni Vic na si Pauleen Luna at Baby Talitha.

Masaya si Ciara at Crixus na naipagdiwang nila ang kaniyang birthday. Nagpaabot din si Ciara ng nakakatouch na mensahe sa kanyang anak. Laman ng kanyang mensahe ay puno ng pasasalamat sa Diyos na dumating ang kanyang anak sa kanyang buhay.

Credit: @pinaypole instagram

“Happy 7th Birthday to my very own superhero!!! I love you so much Crixus! I thank God everyday for you. Mama will always try her best to make you the happiest boy. I pray that you will grow up to become all that God wants you to be,” saad ni Ciara sa kanyang pagbati.

Credit: @pinaypole instagram

Si Crixus ay ang anak ni Ciara at ang x-husband, bvsinessman na si Joe Oconer. Matatandaang ikinasal ang dalawa noong 2010 na naghiwalay din noong 2016. Na- annulled ang kanilang kasal noong 2019.

Credit: @pinaypole instagram

Pero, kahit ano pa man, swerte si Ciara sa kanyang anak at talagang blessed na blessed siya dahil mayroon siyang masunurin at mabait na anak.

Credit: @pinaypole instagram