Tignan ang masayang 40th birthday celebration ni Jody Sta. Maria sa ibang bansa

“Life starts at 40”

Iyan ang karaniwang sinasabi sa tuwing magdiriwang ng 40th birthday ang isang tao. Isang panibagong stage kasi sa buhay ng isang tao. Isa sa mga nagdiriwang ng kanyang 40th birthday ay ang batikang aktres na si Jodi Sta. Maria. Napapanood natin si Jodi sa teleseryeng “The Br0ken M@rriage V0w”.

Pagdating naman sa pag-arte, talaga namang de-kalibre ang kanyang performance. Mula pa man sa mga nauna niyang mga naging teleserye at pelikula.

Ngayon, masayang nagdiriwang si Jodi ng kanyang 40th birthday. Noong June 16, nagdiwang si Jodi ng kanyang 40th birthday. Ito ay bagong yugto ng kanyang buhay na kung saan siguradong maglelevel up si Jodi sa kanyang pamilya, showbiz career at personal life.

“40. So far it’s been a great year for me. And as I cr0ss the mid-p0int 0f my life, it’s gr0und3d me in new ways. Had to learn and vnlearn certain things. Love and let go of situations and people. Ign0re n0ises and live a life that’s empowering to me. Stay calm and realize it’s okay not to have everything figured out. Consciously remind myself to be grateful in every situation and cast my cares on the Lord,” saad ni Jodi sa kanyang IG post.

Pinasalamatan din ni Jodi ang Panginoon sa mga blessings na kanyang natatanggap. Para kay Jodi, isa itong magandang regalo sa kanya ang makita ang kanyang sarili at pamilya na masaya, at malusog.

“Thank You Lord for the gift of life. Maraming salamat sa lahat ng nakaalala at nagpadala ng mensahe ng pagmamahal. I thank God for each and everyone of you. May our good Lord uplift you and bless you in abundance. I declare peace and joy in your hearts,” patuloy pa ni Jodi.

Samantala, pinasalamatan ni Jodi ang kanyang kaibigan, at mga fans na bumati sa kanyang espesyal na araw.