Tignan ang masayang binyag ng sobrang cute na si Baby Fiore

Parang kailan lang nang ibalita sa atin ng aktres na si Assunta De Rossie Ledesma ang balita na siya ay buntis. Marami ang masaya at excited para sa kanya.

Credit: @assuntaledesma Instagram

At noong Oktubre 23 ng taong 2020, isang napakagandang baby girl ang naisilang ni Assunta na si Giulia Fiorentina Alessandra o mas kilala sa tawag na Baby Fiore. Bunga ng panalangin si Baby Fiore. Matagal ding hinintay at hiningi nila ito sa Diyos. Kaya naman, ngayon, masayang masaya sila na isang malusog na baby ang binigay sa kanila.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Kaya naman, “miracle baby” ang turing ng mag-asawa kay Baby Fiore. Milagro daw talaga itong maituturing matapos ang kanilang mga napagdaanan. Pero, parang kailan lang ang lahat ng ito. Sa isang iglap, ay napakabilis nga namang lumaki nitong si Fiore. Biruin mo at 2nd year birthday na ni Fiore sa darating na Oktubre.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Hindi ba’t ang bilis ng lahat? Ang dating pinagdarasal at hinihingi pa lang, ngayon ay di na siya mapigilan sa paglaki. Isang blessing nga naman talaga ang tinatamasa ng pamilya lalo na ni Baby Fiore. At bago pa ang 2nd birthday ni baby, isang mahalagang kaganapan muna ang idinaos ni Assunta para sa anak. Idinaos na ang binyag ni Baby Fiore.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Ito ay isang mahalagang kaganapan sa buhay ng isang bata dahil ito ay tanda ng pagpapasakop sa Diyos at pag-alay sa kanya. Bahagi ng selebrasyon ang mga kapatid ng celebrity mom, na sina Alessandra de Rossi, Isabel at Margherita Schiavone.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Maliban sa kaniyang mga kapatid ay makikitang present rin sa binyag ni Baby Fiore ang kanilang magulang. Makikita din sa event ang ina ni Assunta na si Nenita Schiavone. Ang mga larawan na ito ay kuha din sa mismong binyagan.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Masaya naman ang mga netizens at fans para kay Baby Fiore at kay Assunta. Nagpaabot din sila ng mga pagbati para kay baby.

Credit: @assuntaledesma Instagram