Tignan ang masayang birthday celebration ng napakacute na baby na si Enola Mithi

Napaka-bilis nga naman lumipas ng panahon at para bang kailan lamang mula nang ibahagi sa publiko ng magaling na aktor na si Carlo Aquino ang napaka-gandang balita na isa na itong ama sa kanyang first baby girl na ipinangalanan nila bilang Baby Enola Mithi sa girlfriend nitong si Trina Candaza.

Credit: Carlo Aquino instagram

Setyembre 2020 nang ibahagi ni Carlo ang balita sa kanyang Instagram account at kamakailan-lamang ay ipinagdiwang na ng mga ito ang unang kaarawan ni Baby Mithi. Tulad ng iba pang mga celebrity parents, hindi nagpahuli si Carlo sa pagbabahagi ng naging birthday celebration ng kanyang anak.

Credit: Carlo Aquino instagram

Ibinahagi ni Carlo ang naging kaganapan ng birthday party ni Baby Mithi sa kanyang Instagram account. Sa mga letrato ay makikita na mayroong Sesame Street themed party si baby Mithi at bidang-bida rito ang character ng Sesame Street na si Elmo.

Credit: Carlo Aquino instagram

Napaka-cute ng naging ayos ng venue dahil sa mga nag-gagandahang mga lobo at iba pang dekorasyon na talagang na-enjoy ni Baby Mithi. Mapapansin na nagkaroon lamang ng isang intimate birthday party ito kung saan tanging mga pamilya ng dalawa at mga malalapit na kaibigan lamang ang dumalo.

Credit: Carlo Aquino instagram

Ngunit kahit na ganoon ay talagang nakaka-agaw pansin ang napaka-gandang ngiti ni Baby Mithi sa mga letrato at halatang-halata na nag-eenjoy sa kanyang first birthday celebration. Kahit walang ka malay-malay ay talagang energetic ito at walang sawang naka-ngiti na makikita sa mga letrato.

Credit: Carlo Aquino instagram

Mapapansin din na isinabay ni Carlo ang kanyang birthday celebration sa araw na iyon kaya naman nagkaroon ang mag-ama ng double celebration party. Sa kabilang side ng venue ay makikita ang sariling two-layered cake ni Carlo at nagkaroon din ito ng kanyang sariling moment sa kaarawan nito.

Credit: Carlo Aquino instagram

Masasabing nagkaroon ng successful first birthday party si Baby Mithi dahil sa mga magagandang ngiting ipinakita ng kanyang mga bisita sa araw na iyon. Siyempre hindi mawawala ag family picture nina Carlo, Trina at Baby Mithi na talagang bidang-bida sa kanilang mga matching Elmo design na damit.

Credit: Carlo Aquino instagram

Samantala, kasalukuyan pa ring umaarangkada ang career ni Carlo sa mundo ng showbiz at ngayon ay kabilang ito sa teleserye drama series na “La vida Lena” kung saan kasama nito ang iba pang magagaling na mga artista tulad nina Erich Gonzales, JC De Vera, at Agot Isidro. Ito naman ay mapapanood sa Kapamilya channel.