Tignan ang masayang pamamasyal nina Joyce Pring, Juancho Trivino at kanilang baby na si Alonso sa Europe

Si Princess Joyce Enaje Pring o kilala sa bilang Joyce Pring ay isang Filipina television personality at isang host. Sya ay naging VJ noon matapos manalo sa Myx’s VJ Search noong 2011, ay binati ang kanyang anak na si Alonso Eliam sa kanyang ika 11 buwan.

Makikita nga sa Instagram post ni Joyce Pring ang patungkol sa kanyang pagbati sa kanyang cute na cute na anak na si Alonso sa ika 11 buwan nito mag mula nang ito ay isilang.

Makikita sa mga post ni Joyce Pring ang larawan ni baby Alonso at ilang video snap kung saan ay makikitang nagpunta sila nang Milan,

“Today our little guy celebrate his 11th month earth-side” lagay nito sa kanyang caption. Mapapansin din ang pagiging go ni Baby Alonso dahil sa pagiging meek nito kapag kasama sila sa mga byahe gaya nga nang pagpunta nila kung saan saan kasama sya, “This 11-month old has been a champ of a travel buddy” sabi pa nga ng kanyang Mommy Joyce Pring.

Talagang tuwang tuwa nga ang mag asawang Juancho Trivino at Joyce Pring sa biyayang kaloob sa kanila nang Diyos at iyon nga ay ang kanilang baby Alonso na talagang hindi nga din makakaila ang kanyang cuteness sa mga video na pinahagi ng kanyang Mommy Joyce,

naroon pa nga ang isang video kung saan ay makikita na tila nilalaro sya ng kanyang daddy Juancho at biglang kiniliti at dali dali namang maririnig ang halakhak nang bata na talagang napaka wholesome mamasdan at pakinggan.

Lubos ngang pinagpapasalamat ng mag asawa ang pag dating nang kanilang munting anghel na tila nga isang padala nang Diyos. Marami naman sa mga netizen ang pinansin din ang cuteness ang pagiging gandang lahi ni Alonso at ganoon din sa pagbati sa mag asawa bilang magpapamilya.

Noong July 2, 2021 nang maipanganak ni Joyce Pring si Alonso Eliam, at simula nga noon ay talagang hindi nga matatawaran ang pagiging thankful nang mag asawa sa pagdating nito, dahil kahit ilang buwan pa lamang ay talagang dinidiwang nila ito.

Pinamalita nga ni Joyce ang patungkol sa kanilang relasyon with Juancho Triviño isang aktor noong August 2019. Matapos noon ay November nang mag announce ang dalawa nang patungkol sa kanilang engagement, at nang February 2020 sila ay ikinasal sa Pasay City.