Tignan ang masayang pamilya ng aktor na si Joross Gamboa

Noong buwan ng Mayo, nagdiwang ang asawa ng showbiz personality na si Joross Gamboa na si Katz Saga Gamboa ng qu@r@nt!ne birthday. Sa ibinahagi noong post ni Joross ay makikitang hindi ipinalampas ng pamilya na ipagdiwang ang birthday ng ilaw ng kanilang tahanan na si Katz Gamboa.

Credit: Joross Gamboa instagram

Ipinasilip ng aktor ang mga naging kaganapan sa birthday ng kanyang misis. Binati niya na rin si Katz sa caption ng nasabing post. “Happy Birthday @katz_gamboa from @jacekylergamboa @johnkodygamboa and @joross_gamboa” ang panimula niya sa kanyang simple greeting.

Credit: Joross Gamboa instagram

Makikita sa mga unang pictures ang mga captured moments nilang pamilya sa araw na iyon. Ang mag-asawa ay naka kulay blue na damit habang ang anak naman nila ay naka-red. Buhat ng birthday celebrant ang kanilang bunsong si John Kody habang nasa gitna ng mag-asawa ang panganay nilang si Jace Kyler.

Credit: Joross Gamboa instagram

“We Love You So Much!!! Mwah! Mwah! Mwah! 😍🥰😘” dagdag pa ng aktor.
Ibinahagi rin ni Joross ang solo pictures ni Katz kung saan kitang kita ang kanyang natural beauty. May suot pa ang celebrant na “happy birthday headband”.

Credit: Joross Gamboa instagram

Sa pamamagitan ng isang simple birthday celebration ay nairaos nila ang mahalaga at espesyal na araw ng kanilang ilaw ng tahanan. Mapapansin din naman ang simpleng effort nila sa pag-decorate kung saan naglagay sila ng pink metallic curtain at malalaking letters ng “HAPPY BIRTHDAY”.

Credit: Joross Gamboa instagram

Maaalalang taong 2014 nang ikinasal si Joross at kanyang long-time girlfriend na si Katz Saga. Sa magpi-pitong taon nilang pagsasama sa darating na November ay nabiyayaan na sila ng dalawang anak. Ang panganay nilang si Jace Kyle ay 5 years old na habang ang kasalukuyang bunso naman na si John Kody ay 3 years old.

Credit: Joross Gamboa instagram

Ayon sa aktor sa isang interview noon, isa sa mga pinagamalaki niya sa kanyang buhay ay ang pagiging ama ng dalawa nilang boys ni Katz.

Credit: Joross Gamboa instagram

Kahit na pansamantala siyang namahinga sa mga projects sa industriya ng showbiz nang simula ng pandemya ay wala pa ring nasayang dahil inialay niya naman ito sa kanyang pamilya.

Sa kabila ng pagiging isang indibidwal sa industriya ng showbiz na mayroong busy schedule, sigurado naman si Joross na kailanman ay hindi niya napabayaan ang kanyang responsibilidad bilang ama at asawa.

Credit: Joross Gamboa instagram

Lagi siyang gumagawa ng oras upang makasama ang mga ito kahit na busy siya sa kanyang mga projects sa industriya at pagla-live stream sa kanyang Facebook gaming page.
Ang mga oras na kasama niya ang kaniyang pamilya ay ang pinaka tine-treasure niya sa buhay.