Tignan ang masayang pamilya nina John Prats at Isabel Oli

Inulan naman ng mga pusong komento ang post ng aktor at direktor na si John Prats. Pinost niya ang picture ng kanilang lovely family sa Instagram account nito.

Credit: John Paulo Q. Prats instagram

“This is us!” ito ang kanyang caption sa post na kasama ang kanyang asawa at tatlong anak.
Siguradong miss na miss na ni John Prats ang kanyang pamilya dahil sa lock-in taping nila para sa kanyang project.

Credit: John Paulo Q. Prats instagram

Kitang kita sa mga post niya sa Instagram na todo update pa rin ito kahit hindi kasama ang pamilya.
Tunay na mapagmahal sa pamilya ang aktor na ito dahil sa hindi niya nakakalimutan na banggitin at alalahanin ang nga ito.

Credit: John Paulo Q. Prats instagram

Isa sa mga post na nakaka antig ng puso ay ang appreciation post nito sa kanyangasawa kahit na walang okasyon. “To my wife, Thank you for everything. Wala naman pong okasyon, pero gusto ko lang I appreciate ang asawa ko. I thank God for giving me a partner like you. Pasensya ka na sakin minsan. Hehehe. I love you habang buhay po.” ito ang kanyang caption sa isang post.

Credit: John Paulo Q. Prats instagram

Makikita dito ang ka sweetan ng aktor matapos magbahagi ng message sa kanyang asawa.
“Tayo hangan pumuti na ang buhok natin. Salamat sa araw na araw na pag mamahal mo sa amin ng mga anak mo. 😘 I miss you, i shall see you guys very soon po. From your HUBB.” dagdag pa nito sa kanyang post.

Credit: John Paulo Q. Prats instagram

Sa ngayon, lumalabas si JohnPrats sa telebisyon sa isa sa mga longest teleserye sa telebisyon na FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi na lamang sa mga concert nagiging direktor si John Prats kung pati na rin sa mga program katulad ng It’s Showtime.

Credit: John Paulo Q. Prats instagram

Si John Prats ay ang direktor rin ng naging segment na ReiNanay na ipinapalabas sa noontime variety show ng It’s Showtime. Kaya naman, sa kabila ng pagiging busy actor at director ni John Prats,makikita natin na isa ring loving father si John sa kanyang pamilya.