Tignan ang nakakakilig na pagkikita uli ni Pia Wurtzbach at nobyong si Jeremy Jauncey

Jeremy Jauncey matapos ang ilang buwan nilang hindi pagkikita. Parehong ibinahagi ng dalawa ang masayang kaganapang ito sa pamamagitan ng kanilang social media.

Credit: Pia Wurtzbach instagram

Makikita sa instagram account ng Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kaniyang latest post kung saan ipinasilip niya ang isang captured moment nila ng boyfriend sa isang restaurant habang hinihintay ang kanilang order. May caption ang post na “Waiting for our order. First meal together in what feels like forever 😚”

Credit: Pia Wurtzbach instagram

Habang ang boyfriend niya ring si Jeremy Jauncey na isang US-based entrepreneur ay nagpost din ng picture nilang dalawang magkasama ni Pia na may caption namang “Reunited!” kung saan makikita sa kanilang background ang famous Burj Al Arab. “Excited for what’s in store in the UAE.” dagdag pa niya.

Credit: Pia Wurtzbach instagram

Ang kanilang huling ibinahagi sa social media bago ito ay ang mga pictures nila sa kanilang first trip na noong pang buwan ng Pebrero kung saan dinayo nila ang bansang Morocco. Ngayon naman ay bumisita ang dalawa sa Dubai.n Matatandaang noong June 2020 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Credit: Pia Wurtzbach instagram

Isinapubliko ng couple ang kanilang relasyon nang sila ay ma-feature sa Tatler Philippines. Nangyari ang lahat ng ito pagkatapos ng p@ghihiwalay ni Pia Wurtzbach at former b0yfriend niyang si Marlon Stockinger.

Credit: Pia Wurtzbach instagram

Ayon sa dalawa, sila ay nagkita lamang sa London at nagsimula ang lahat nang lumapit si Jeremy at ikinwento kung gaano niya kamahal ang Pilipinas na ilang beses na niyang napuntahan dahil sa trabaho. “There was definitely an immediate spark. We couldn’t stop talking.” Ang sabi mismo ni Pia na gustong gusto ang pagiging warm person at palangiti ng Entrepreneur.

Credit: Pia Wurtzbach instagram

“Male version” ang mga salita namang binanggit ni Pia nang siya’y tanungin ano ang pinakagusto niya sa kaniyang boyfriend. “I never thought I would find a guy who is just as motivated as I am — and then he came along,” dagdag pa niya. “He is so passionate about business and health; I’ve been learning so much from him.

Credit: Pia Wurtzbach instagram

We come from completely different backgrounds but easily find ways to connect and relate with each other. He’s also very loving and funny. We always have the best time when we’re together.” Ang mga sinabing ito ni Pia ang rason kung bakit nagpatuloy ang kanilang koneksyon na nagtungo sa relasyon.

Credit: Pia Wurtzbach instagram

Sa kabilang banda naman, ibinahagi din ni Jeremy kung paano niya nakikita ang girlfriend. “Pia is a strong, independent woman that always delivers while being kind, loving, and sweet. People know her for her Miss Universe success, but she also has great business instincts and is just as switched on behind the camera. Plus, she’s even more genuine when you meet her in person”. Ayon sa kanya, lalo siyang nai-inspire kapag nandiyan si Pia.