Tignan ang nakakakilig na Wedding photos nina Jason Abalos at Vickie Rushton

Pagkahaba haba man daw ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy. Ganyan inilarawan ng mga taga hanga nina Jason Abalos at Vickie Rushton, dahil napakatagal na nilang mag kasintahan at natupad na nga ang matagal nilang plano na mag pakasal.

Credit: @vimrushton Instagram

Noong Setyembre 1, 2022, nag pakasal ang dalawa sa simbahan sa harap ng kanilang mga ka pamilya at mga kaibigan. Si Vickie ay sadyang napakaganda sa kanyang damit pangkasal. Si Jason naman ay nakasuot ng barong tagalog na gawa ni Francis Libiran na sikat na gumagawa ng mga damit pangkasal.

Credit: @vimrushton Instagram

Napaiy@k si Jason nang makita ang kanyang mapapangasawa habang lumalapit papunta sa altar at sakniya. Ito na nga ang pinaka masayang araw para sa dalawa.

Credit: @vimrushton Instagram

Namataan din sa kasalan ang mga malalapit nilang kaibigan sa showbiz, gaya nina Joross Gamboa, Marco Alcaraz, at Joseph Bitangc0l. Nag payo naman ang kaibigan nila na si Marco Alcaraz na lagi nilang piliin na mahalin ang isa’t isa kahit sa mga panahong nahihirapan silang gustuhin ang isa’t isa.

Credit: @vimrushton Instagram

Ang pag mamahal daw ay pangako hindi lang nararamdaman. Sinabi naman ng kaibigan nila na si Joseph Bitangcol na mahal na mahal niya ang dalawang bag0ng kasal at masayang masaya siya para sa mga ito.

Credit: @vimrushton Instagram

Talaga nga namang proud na proud si Jason at panay ang pag bahagi nito ng mga larawan ni Vickie sa kanyang Instagram account. Nilagyan niya pa ito ng caption na “Hi Missis”.

Sino ba namang hindi magiging proud si Vickie ay isang beauty queen, sumali ito sa Binibining Pilipinas na kung saan todo suporta si Jason nung sila ay mag kasintahan palamang.

Credit: @vimrushton Instagram

Ibinahagi rin ni Jason ang mga litrato nila ni Vickie sa kanilang Prenup shoot na kinuhanan pa nung nakaraang taon ng Desyembre, kuha ang mga larawan sa kanyang lugar sa Nueva Ecija kung saan siya ay nanalo bilang Board Member.

Credit: @vimrushton Instagram

Napakaganda ng lugar kaya napakaganda ng mga kuha nila habang nakasakay sa bangka. Gusto rin ni Jason na mapasyalan ito ng mga turista, kaya ito ang lugar na pinili nila. Dito rin daw sila mag papatayo ng bahay at mamumuhay kasama ng kanilang magiging mga anak.

Credit: @vimrushton Instagram

Nag papasalamat si Jason sa panginoon at unti-unti ng natutupad ang pangarap nila ni Vickie at sawakas nga ay kinasal na sila ng kanyang “baba”.