Tignan ang nakakatuwang litrato ni Baby Avianna kasama ang kanilang cute na aso na si ginger

Si Alvin Abrenica o mas kilala ngayon bilang Vin Abrenica ay isang magaling na aktor at nakakabatang kapatid ni Aljur Abrenica na isa ring magaling na aktor sa Philippine showbiz industry.
Matatandaang unang nakita at napanood si Vin Abrenica bilang isa sa mga contestant ng talent search show na pinamagatang Artista Academy na umere sa TV5 noong 2012.

Credit: Sophie Albert instagram

Simula nang naging parte ito ng show ay nagsimula na ang pag- arangkada ng career sa showbiz ni Vin at pag- kilala sa kanyang ng mga viewers dahil na rin isa ito sa mga nanalo sa competition kasama si Sophia Albert na naging asawa niya ngayon.

Credit: Sophie Albert instagram

Nagsimula ang pagmamahalan at relasyon nina Vin Abrenica at Sophie Albert noong 2013 matapos mag- sama ng dalawa sa Artista Academy at parehong nanalo rito.  Matapos naman dumaan ng tatlong taon ay itinuloy nina Vin at Sophie ang kanilang naudl0t na pagmamahalan at binigyan ng mga ito ang kanilang relasy0n ng sec0nd chance.

Credit: Sophie Albert instagram

Sa pagkakataong ito ay pang habang- buhay na ang kanilang relasyon dahil nitong 2020 lamang ay ibinahagi ng mga ito sa publiko ang balitang engage na umano sila at nitong February ay ni- reveal ni Sophia na magli- live in na sila ng kanyang fiancé.

Credit: Sophie Albert instagram

Ngunit hindi lang ito ang ni- reveal ni Sophie sa publiko dahil ibinahagi rin nito sa buwan na iyon na nagdadalang – tao na ito sa kanilang first baby ni Vin na isang baby girl.
Mabilis nga naman ang panahon dahil nitong March lamang ay ipinanganak na ni Sophie ang kanyang napaka- gandang baby girl na talagang naman ang kanyang kutis at ganda at ipinangalanan nila ito bilang Avianna Abrenica.

Credit: Sophie Albert instagram

Simula nang ipinanganak ni Sophia si Baby Avianna ay lagi na nitong ibinabahagi sa kanyang Instagram account ang mga cute na cute na pictures at videos ng kanyang anak.
At sa kanyang recent post ay nagbahagi nanaman ito ng maganda at cute na picture ni Baby Avianna habang natutulog sa isang malambot na higaan habang binabantayan siya ng kanilang aso na si Ginger na talaga namang mahal na mahal ng mag- asawa.

Makikita sa letrato kung paano ka tahimik at ka-bait ang aso na si Ginger habang nasa harapan nito ang tulog na bata. Tila ba binabantayan nito si Baby Avianna at tahimik na minamasid. Ang moment na ito ay labis na nakapag- pasaya ng puso ni Sophie dahil inamin nito na nag- alala siya kay Ginger bago nito ipanganak si Baby Avianna kaya naman proud na proud ito sa dalawa.

“My girls💕I was so worried about Ginger before Avianna came. But Ginger has been so patient, protective and loving towards her little sister. I really got luck with these 2!🥰” saad nito sa kanyang caption.