Tignan ang napakagandang asawa ni Teddy Corpuz na si Jasmin Corpuz

Hindi maipag- kakaila na ang mga Pilipino ay mahilig kumanta kahit na ito ay sintunado at hindi gaano kagandahan ang boses ay game na game pa rin kung bumirit ang mga ito.

Hindi lang mahilig kumanta ang mga Pilipino dahil marami ring mga Pilipino ang magagaling sa kantahan tulad ng isang sikat na personalidad na si Teddy Corpuz na kilala bilang isang Filipino singer, television presenter, aktor, comedian at co- host sa noon time show ng ABS- CBN na It’s Showtime.

Credit: Teddy Corpuz instagram

Unang lumabas si Teddy sa isang sitcom noong ng GMA network na pinapamagatang Idol ko si Kap at kalaunan ay naging sidekick ni Richard Gutierrez sa isang sikat na Fantaserye noon na Sugo.
Matapos nitong lumabas sa mga ilan pang mga teleserye at comedy serye at sinimulan ni Teddy ang pagbuo ng kanyang sariling banda na Acoustic Faith na ngayon ay kilala na bilang Rocksteddy na sinundan mismo sa kanyang pangalan.

Credit: Teddy Corpuz instagram

Nabuo ang banda ni Teddy noong 2003 kasama lamang ang kanyang mga ka- churchmate na sina Christian Rockers, Jeff Cucullo at Howie Ramos. Unang nagdebut ang bandang Rocksteddy noong 2006 nang I- release nila ang album na Tsubtsatagilidkeyn na may 11 tracks.

Credit: Teddy Corpuz instagram

Simula nang magdebut ang bandang Rocksteddy ay naging kilala ang kanilang unique na musika na ralaga namang kinagiliwan ng mga Pilipino. Dahil dito ay maraming oportunidad ang nagbukas para kay Teddy at sa kanyang banda.

Credit: Teddy Corpuz instagram

Hanggang ngayon ay kilalang- kilala pa rin ang bandang Rocksteddy dahil maraming batang Pilipino noon ang lumaking napapaginggan sa mga theme song ng kanilang paboritong teleserye at show sa telebisyon ang mga kanta ng bandang Rocksteddy.

Credit: Teddy Corpuz instagram

Hindi lamang ang mga bandmates ni Teddy ang kasama nito sa pag- abot ng kanyang mga pangarap dahil noong 2006 ay nagpakasal na ito sa kanyang asawa na si Jasmine Corpuz at ngayon ay may dalawa na itong mga anak na sina Angelic at Theodore.

Credit: Teddy Corpuz instagram
Matatandaang noong 2017 ay binigyan ni Teddy ang kanyang asawa ng isang surprise wedding sa It’s Showtime kasama ang iba pang host ng show Vice Ganda at Teddy Corpuz sa kanilang “Magpasikat Performance”.

Credit: Teddy Corpuz instagram

Maraming netizens at viewers ang nastarstruck at na- touch sa sorpresa ni Teddy para asawa lalo na at sa harap ito ng national television naganap. Kaya naman masasabi talagang mahal na mahal ni Teddy ang kanyang asawa at masaya ang mga ito sa kanilang relasyon.

Credit: Teddy Corpuz instagram

Kamakailan- lamang ay ipinagdiwang ng asawa ni Teddy ang kanyang ika- 40th birthday at hindi naman nagpahuli si Teddy sa pagbabahagi ng kanyang heartfelt na mensahe para sa mahal na asawa at nagpost ito sa kanyang Instagram account.

Credit: Teddy Corpuz instagram

Sa post ay makikita ang isang picture ng sweet na sweet na mag- asawa na may napaka- sweet din na mensahe. “Happy birthday to my queen, my muse, my best friend and my forever soulmate.” Ilan lamang ito sa mga binanggit ni Teddy sa kanyang caption dahil ayon rito ay hindi siya mauubusan ng masasabing maganda sa asawa.

Credit: Teddy Corpuz instagram

“I wish you’re genuinely happy with me and the kids. We love you so much babe!❤️❤️❤️” dagdag pa nito sa kanyang caption. Napaka-sweet nga naman ng birthday message ni Teddy para sa kanyang asawa dahil mararamdaman talaga kung gaano nito ka-mahal ang asawa sa mga compliment na ibinigay nito rito na tiyak namang totoo at hindi lamang biro.