Tignan ang napakagandang prenup photos nila Carla Abellana at Tom Rodriguez

Ang pagpapakasal ay isang matinding konsiderasyon sa buhay. Sabi nga, hindi ito parang mainit na kanin na kapag isinubo at napaso ay bigla nalang iluluwa ito.

Malalim at matinding pag-iisip ang pagpasok sa kasalan. Kahit pa nakahaba ng prusisyon at simbahan ang tuloy, maraming dadaanan ang prusisyon na ito. Mula sa mga preparasyon na gagawin. Mabusisi at talagang kailangan ito ng pokus at oras mo.

Credit: @carlaangeline instagram

Maraming mga dapat ayusin gaya ng mga papeles, appointment sa simbahan o sa West, food tasting, invitation at syempre di na mawawala ngayon ang tinatawag na prenuptial photos. Di na mabubuo ang mga kasalan ngayon kung walang mga prenup photos.

Talagang kanya kanya ng pakulo at mga tema at istilo ngayon ang mga
couples. Makikita sa social media ang mga pre-wedding shoots at mga pictures nila. Trending pa nga ang iba.’

Credit: @carlaangeline instagram

Sa pre-wedding ba ang labanan? Di papakabog ang Kapuso actress na si Carla Abellana jan.
Usapan ngayon ang kanyang mga pre wedding shoot pictures na talagang makikita ang kanyang angking ganda.

Credit: @carlaangeline instagram

Bride of the year nga naman ang peg ni Carla Abellana sa kanyang fierce look at napakagandang suot. Suot niya ang puting bridal gown na bagay na bagay sa aktres. Ikakasal si Carla sa kanyang boyfriend na Si Kapuso artist Tom Rodriguez sa October 23 sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midland.

Kilig na kilig nga naman ang marami kay Carla at Tom. Abang na abang ang mga netizens sa kanilang mga wedding preps.

Credit: @carlaangeline instagram

Makikita sa kanilang komento ang kanilang excitement:
“Real-life Barbie Doll! ❤ Gwapaha jud ni Rosalinda oyy 🥺”

“Goddess BRIDE TO BE! 👰 ❤️😍 Carla Angeline Reyes Abellana”

“Weew congrats 👏🎉💕 another happy ending lovestory❤️💘of cutie couple 👫”

Credit: @carlaangeline instagram

“A very classic and elegant divine beauty and bride Ms. Carla Abellana ❤️”
“Beautiful inside and outside my idol Carla😍”