Tingnan ang anak ni Jhong Hilario na si Baby Sarina na enjoy na enjoy sa kanilang pamamasyal sa Balesin Island

Sa latest post ng life partner ni Jhong Hilario na si Maia Leviste Azores sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isa sa napakaraming “firsts” ng kanilang first born baby na si Sarina.
Makikita sa nasabing post ang iilang mga pasilip sa naging first experience ni Sarina sa pagsakay ng airplane. May caption ang post na “Sarina’s first plane ride! ✈️”. Halos lahat ng mga pictures ay na-capture mismo sa loob ng eroplano.

Credit: Maia Leviste Azores instagram

Makikita sa mga photos na karga-karga siya ng kaniyang mga parents, sa ibang litrato ay karga siya ng kanyang mommy Maia habang sa iba namang litrato ay makikitang karga siya ng kanyang daddy Jhong.

Credit: Maia Leviste Azores instagram

Sa third picture na ibinahagi rin sa mismong post ay isang “groufie” ng pamilya.
Masasaksihan rin sa mga pictures kung paano napanatiliing kalmado ang baby girl sa flight. Tila kinakausap at nilalaro siya ni Jhong kung saan makikita naman sa mukha ni Sarina na siya ay natutuwa habang pinagmamasdan si Jhong.

Credit: Maia Leviste Azores instagram

Pinag br3ast-feed naman ni Maia ang baby girl habang sila ay nasa himpapawid. Makikita sa bintana ng airplane ang mga ulap at tila mataas na ang nalipad nito. Kitang kita sa mga pictures na naging masaya si Sarina sa experience. Mapapatunayan sa kanyang mga ngiti na na-enjoy niya ang kaniyang first plane ride at siya ay naging komportable.

Credit: Maia Leviste Azores instagram

Ang mga naging kasamahan at kaibigan naman ni Jhong sa industriya ng showbiz na sina Vhong Navarro at Kim Atienza ay parehong nagcomment ng “❤️❤️❤️” Si Sarina Oceania Hilario ay anak nina Maia Leviste Azores at Virgilio Viernes Hilario Jr. na mas kilala bilang Jhong Hilario.

Credit: Maia Leviste Azores instagram

Mas nakilala ang baby girl na si Sarina dahil sa kanyang daddy na isang kilalang personalidad sa industriya ng showbiz at politician. Alam ng mga taga-suporta ng Sample King kung gaano niya kamahal ang kaniyang anak na tinawag niyang “Sample Princess”. Maaalalang nagpaalam si Jhong sa mga proyektong kanyang kinabibilangan upang masiguro ang kaligtasan ng kanyang mag-ina.

Credit: Maia Leviste Azores instagram

Itinuturi niya talagang kayamanan na kanyang ipinagmamalaki ang kanyang anak.
Mapapatunayan din naman na walang naging pagsisisi ang celebrity dad at naging masaya siya sa kanyang naging desisyon. Buwan ng Nobyembre taong 2020 nang isinapubliko ni Jhong ang pagbubuntis ng kanyang long-time life-partner na si Maia. Bandang katapusan ng Marso nang ipinanganak si Sarina Oceania.

Credit: Maia Leviste Azores instagram