Tingnan ang anak nina Pauleen at Vic Sotto na si Tali habang nagbabasa ng libro at nagsisign language

Kilalang kilala bilang cute na cute na baby ang anak ng TV host na si Vic Sotto at Pauleen Luna na si Baby Talitha. Overloading cuteness nga naman ang hatid sa atin ni Baby Tali kaya talagang lahat ay tuwang tuwa sa kanya lalo na ang mga netizens.

Credit: Marie Pauleen Luna Sotto instagram

Lagi naman tayong updated sa mga nagaganap kay Baby Tali dahil sa kanyang
mommy Pauleen na laging ibinabahagi ang lahat ng mga updates at mga cute videos ni Tali.

Credit: Marie Pauleen Luna Sotto instagram

Dahil na rin sa dami ng ating napagdaanan sa mga nakaraang araw dahil sa s@kvna na hatid ng bagy0, ay pinost muna ito ni Pauleen para magbigay ng good vibes sa social media lalo na sa IG.

Credit: Marie Pauleen Luna Sotto instagram

Makikita si Baby Tali na cute na cute na tila nagbabasa ng libro kasama ang kanyang ina. Tila si Pauleen ang nagtuturo at binabasa ni Baby Tali ang librong “Old McDonald had a Farm”.

Credit: Marie Pauleen Luna Sotto instagram

Talagang alam na alam ni Tali ang librong ito at enjoy na enjoy na binibigkas ang kanta.
“I know it’s been a t0ugh few weeks. I hope this short video clip of Tali makes you smile. Praying for everyone’s safety, protection and peace. P.S. She can’t read just yet 🤪 she just memorized the book 😂,”saad ni Paulene sa kanyang post.

Credit: Marie Pauleen Luna Sotto instagram

Pero sa katunayan ay hindi naman talaga niya nababasa ito dahil di pa siya marunong magbasa. Kundi memoryado niya ito kaya alam na alam niya ang bawat bahagi ng libro.

Hindi ba’t napakagaling talaga ni Baby Tali?Bukod pa dito, ay ipinakita din ni Baby Tali ang kanyang memoryadong mga Alphabets maging ang sign language nito. Talagang matalino itong si Baby.

Makikita din sa video na ito gaano ka hands on mommy si Pauleen sa pagtuturo sa kanyang anak. Di na tayo mabibigla na paglaki nito ay magiging sikat na artista din dahil sa kanyang angking galing.