Tingnan ang bonding moments ni Jinkee Pacquiao kasama ang gwapong pamangkin sa kapatid na si Janet Jamora

Matatandaang noong unang linggo ng Hulyo ay napag-desisyunan na ng boxing champ Manny Pacquiao ang lumipad papuntang Los Angeles, USA upang makapag-simula na ito sa kanyang ensayo sa darating na l@ban nito sa American welterweight champion na si Errol Spence sa Agosto.

Credit: Janet Jamora instagram

Kasama nitong lumipad sa US ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao at ang limang anak nito. makikita naman sa ibang post ni Jinkee sa kanyang Instagram account na kasama rin nila sa US ang kanyang twin sister na si Janet Jamora upang suportahan si Manny sa kanyang training at papalapit na l@ban.

Credit: Janet Jamora instagram

Alam na alam ng lahat kung gaano ka-close at ka-lapit sa isa’t isa ang kambal dahil tinuturing talaga nilang bestfriend ang isa’t isa. Kamakailan-lamang ay ipinanganak ni Janet ang first baby nila ng kanyang asawa na si Steve Jumalon na isang dating housemate sa PBB.

Credit: Janet Jamora instagram

 

At mula nang ipanganak na ni Janet ang kanyang first baby kay Steve ay isa si Jinkee sa mga nangungunang mag-alaga at mag-bantay dito. Simula noon ay naging hands-on tita talaga si Jinkee sa kanyang pamangkin na makikita rin mismo sa mga ipino-post na letrato nito kasama ang baby.
Ang pagiging auntie ay talaga namang ginagampanan ng mahusay ni Jinkee dahil siya mismo ay malapit talaga sa pamangkin.

Credit: Janet Jamora instagram

Madalas itong makitang karga-karga ang anak ni Janet at nakikipag-laro rito lalo na at magkakasama ang mga ito sa US ngayon. Kamakailan-lamang ay nagbahagi si Janet sa kanyang Instagram account ng mga letrato nina Jinkee at ng kanyang baby boy habang nagsho-shopping ang mga ito ng sapatos sa US.

Credit: Janet Jamora instagram

“Bonding time with his aunt @jinkeepacquiao” saad ni Janet sa kanyang caption.
Makikita sa letrato kung paano enjoy na enjoy si Jinkee sa pakikipag-bonding sa pamangkin dahil sa ngiti at tawang mayroon sila sa letratong ibinahagi ni Janet. Habang pumipili si Janet ng mga sapatos na bibilhin ay matiyagang kinakarga ni Jinkee ang pamangkin at para bang may sariling mundo ang mga ito.

Credit: Janet Jamora instagram

Ang pagsho-shopping at pag-pasyal sa US ang naging hobby at pampa-lipas oras ng mag-kambal at halatang ineejoy ang oras at panahon na nasa US ang mga ito. Makikita sa iba pang post ng dalawa ng laging mag-kasama ang mga ito at madalas na mag-bonding sa lugar.