Tingnan ang bongga at masayang birthday ng anak ni Dianne Medina at Rodjun Cruz

Napaka-bilis nga naman lumipas ng panahon at kamakailan-lamang ay ipinagdiwang na ng celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz ang unang kaarawan ng kanilang first baby na si Baby Joaquin.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Para bang kailan lamang nang ibalita nina Dianne at Rodjun sa publiko ang safe na panganganak ni Dianne sa kanilang first baby at ngayon ay isang taon na ito. Tulad ng iba pang first time celebrity parents, masayang-masaya sina Dianne at Rojun na mayroon na silang plus one sa kanilang buhay at hands-on na hands-on ang mga ito sa kanilang unang anak.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Simula nang ibahagi ng dalawa na nanganak na ang aktres ay walang sawang nagbabahagi sina Dianne at Rodjun ng mga cute na cute na letrato at videos ni Baby Joaquin. Talagang sa lumipas na panahon ay mapapansin kung gaano na ito lumalaki bilang isang napaka-gwapong bata na nakuha nito sa kanyang mga magulang.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Kaya naman hindi na nakakapag-takang madalas umaani ng magagandang reaksiyon ang mga letrato ni Baby Joaquin at kinagigiliwan ito ng mga fans ng kanyang mga magulang dahil sa kanyang cuteness na hatid sa mga netizens.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Kamakailan-lamang ay hindi nagpahuli si Dianne sa pagbabahagi ng mga letrato ng naging selebrasyon ng unang kaarawan ni Baby Joaquin na ginanap sa kanilang mismong bahay.
Sa Instagram account ng aktres ay makikita ang mga letrato ng naging birthday party ni Baby Joaquin.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Ito ay nagkaroon ng Safari Themed at isang intimate party lamang kung saan tanging mga pamilya ng dalawa at malalapit na kaibigan lamang ang makikita sa naging selebrasyon. Makikita sa mga letrato na talagang nagmukhang Safari ang bahay nina Dianne at Rodjun dahil sa mga napaka-gandang decorations nito.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Mula sa table setting, cake at iba pang dekorasyon ay kuhang-kuha talaga ang tema nito.
Idagdag pa na game na game na naka-suot ng matching Safari costume sina Dianne at Rodjun kaya naman naging perfect na perfect ang naging first birthday party ni Baby Joaquin.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Siyempre hindi nagpahuli ang birthday celebrant na si Baby Joaquin at naka-suot din ito ng Safari costume tulad ng kanyang magulang kung saan bagay na bagay nito at lalong nagpa-tingkad ng kanyang cuteness.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Kahit na parang walang ka-malay malay ito ay talaga namang mapapansin sa mga letrato kung gaano nag-enjoy si Baby Joaquin dahil sa kanyang mga matatamis na ngiting ipinakita sa harap ng camera.

Maaari namang mapanood ang naging full details at preparations ng naging birthday party ni Baby Joaquin sa mismong Youtube channel nina Dianne at Rodjun.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram