Tingnan ang maganda ang gwapong mga anak ni Jackie Forster

Iba ang pakiramdam na makita mong kumpleto ang iyong mga anak. Daig mo pa nga daw ang nanalo sa lotto sa tuwa at galak na makita at makumpleto ang iyong mga anak.

Credit: Jackie Forster instagram

Iyan ang pakiramdam na mayroon si Jackie Forster. Matatandaang dating mag-asawa si Jackie at si Benjie Paras. Dito ay nagbunga ng dalawang anak na sina Andre at Kobe Paras na ngayon ay matagumpay na sa kanilang karerang tinatahak. Si Andre ay nasa showbiz habang si Kobe ay basketball player ng UP.

Credit: Jackie Forster instagram

Samantala, natuldukan ang relasyon ni Jackie at Benjie. Hanggang sa nakabuo na rin ng panibagong pamilya si Jackie sa kanyang asawa ngayon na si Michael Franken. Ito naman ay nagbunga ng tatlong anak na sina Jared, Caleigh, at Yohan.Makikita sa larawang ito sa IG na kumpleto ang magkakapatid kasama ang kanilang inang si Jackie.

Credit: Jackie Forster instagram

“My world J.A.C.K.Y 💝 @jared_therockstar@andreparas @caleighsimone@_kokoparas
@yohan_forsterAbundantly blessed and content ✨📸 @niceprintphoto,” saad ng caption sa IG.Ang galing nga naman dahil naging acronym ng pangalan ni JACKY ang mga pangalan ng kanyang mga anak na sina Jared, Andre, Caleigh, Kobe, at Yohan.

Credit: Jackie Forster instagram

Siguradong tuwang tuwa nga naman si Jackie dahil nakikita niya ang kanyang mga anak na masaya at kumpleto. Magkaiba man ng ama ay nagkakasundo pa rin sila atnagmamahalan.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagdiwang si Caleigh Simone ng kanyang 10th birthday. Dito ay makikita sa mga larawan na kumpleto din sila at dumalo si Andre at Kobe.

Credit: Jackie Forster instagram

“My blooming beauty @caleighsimone Happiest 10th birthday. I can’t wait to witness what the future brings,” pagbati niya kay Caleigh. Maging si Kobe ay nagdiwang din ng kanyang kaarawan last weekend kaya double celebration.Matatandaang si Caleigh ay ang anak ni Jackie na nakipagbuno sa l3vk3m!a noong siya ay tatlong taong gulang. Ngayon, siya na ay malakas at malusog.