Tingnan ang magandang anak ni John Estrada na si Inah

Binati ng dalagang aktres na si Inah De Belen ang kaniyang amang si John Estrada at iba pang kapamilya noong nakaraang Father’s Day sa pamamagitan ng isang Instagram post.
Isang lumang larawan na kayakap ang kaniyang ama ang laman ng post.

Credit: Inah de Belen Estrada instagram

“Happy Father’s day to my dad and to all the dads in my life – my lolos Daddy Noy and Daddy Philip, Tito Ariel and my Kuya Luigi I love you all!” ang caption ng dalaga. Sumagot naman ang kaniyang ama at nagcomment ng “Thank you baby … I love you.”


Credit: Inah de Belen Estrada instagram

Mapapansing sa ibang post ni Inah sa kaniyang Instagram account ay may masaya siyang relasyon sa kaniyang ama. Nagpost din ng video ang dalaga sa Instagram para sa kaarawan ng kaniyang ama noong ika-14 ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Credit: Inah de Belen Estrada instagram

Sa video ay tila tulala si John at may malalim na iniisip, ang sabi ng aktres sa caption nito ay “Yung narealize mo na malapit ka na mag-50. Happy birthday, Dad! Love you.” Nagreply naman si John ng “2 years pa aray …… thank you anak … love you.” Si Inah o Ina De Belen Estrada sa totoong buhay ay 29 taong gulang na aktres at anak ni John sa aktres na si Janice De Belen.

Credit: Inah de Belen Estrada instagram

Una siyang napanood sa Wansapanataym episode kasama si Miles Ocampo noong 2014.
Muli naman siyang napanood sa pelikulang Crazy Beautiful You bilang si Andy noong taong 2015.
Napanood rin siya sa FPJ’s: Ang Probinsyano bilang si Cristina Nobleza noong 2016.

Credit: Inah de Belen Estrada instagram

Mas nakilala naman siya noon 2016 sa teleseryeng Encantadia at matatandaan naman na una siyang bumida sa dramang Oh, My Mama! sa parehong taon. Kasalukuyang may apat na taong relasyon ang aktres kay Jake Vargas na una nyang nakatambalan sa Encantadia.

Credit: Inah de Belen Estrada instagram

Unang inanunsyo ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2017 at sa isang panayam ay tinanong ang dalaga kung sa kasalan na ba ang uwi nila. “To be honest, of age na kami ni Jake talaga for stuff like that. Napag-uusapan namin but ang dami pa kasi naming gusto gawin,” ang sagot ng dalaga.