Tingnan ang magarbo at napakagandang kasal ni Empress Schuck at Vino Guingona

Ikinasal na nga si Empress schuck sa kanyang boyfriend na si Vino Guingona noong sabado March 6.
Ito ay ginanap sa Hill creek Gardens sa Tagaytay. Puno nga ng mga puting bulaklak ang paligid.
Makikita rin ang mga magagandang larawan ng mag asawa na binahagi rin sa instagram ng “niceprintphoto” at may caption ito na, “Just married! ❤️ Best wishes @itsempressita @vinoguingona ❤️”


Credit: Niceprintphoto instagram

Marami nga ang naging bisita ang dalawa sa kanilang special na okasyon, at napaka grande nga ng ayos ng kanilang reception. Sobrang pasasalamat naman ng mag asawa sa lahat ng mga dumalo sa kanilang kasal.

Credit: Niceprintphoto instagram

Bago maganap ang okasyon ay sama-sama ang pamilya ni Empress at Vino na manalangin habang nakapaikot sa mismong venue sa garden ng Hill creek Tagaytay. Ibinahagi ni Empress ang short video na ito sa kanyang instagram at sinulat nya sa caption na, “We lift it all up to you now Our Lord Jesus Christ.. Praying over at @hillcreekgardens_tagaytay our Ceremony Venue with my new family before our wedding tomorrow… 🤍🙏🏼”

Credit: Niceprintphoto instagram

Nagbahagi rin naman si Vino ng sweet na larawan nila mag asawa sa kanyang instagram.
“You are where my heart wants to be. So excited to spend the rest of my life with you. 😘 @itsempressita” Ang sabi ni Vino sa kanyang caption.

Credit: Niceprintphoto instagram

Present naman sa mga abay ang matalik na kaibigan ni Empress na si Melissa Ricks na talagang close na close nito. Sa larawan naman na ibinahagi ni Empress sa kanyang instagram ay nag pasalamat muli ito sa lahat ng dumalo at mga nag recommend para sa hashtag nila ng sila ay nag karoon ng Prenups.

Credit: Niceprintphoto instagram

“Thank you for participating in our wedding hashtag search! We cant choose ang daming maganda!😄” Lahad ni Empress sa kanyang caption.

Credit: Niceprintphoto instagram
Napaka cute nga ng hashtag nila sa kanilang kasal na napili nila. Ito ay ang,
#ViPressBukambibigSaLamig

Credit: Niceprintphoto instagram