Tingnan ang masayang bonding sa beach ng pamilya nila LJ Moreno at Jimmy Alapag sa US

Sino nga ba ang nakakamiss sa napakasarap na tunog ng alon ng dagat? Sabayan mo pa ito ng sariwang simoy ng hangin. Hindi ba’t nakaka relax at tila nakakawala ng stress sa buhay. Mas maeenjoy mo pa ito kung kasama mo ang iyong mga pamilya at mahal sa buhay. Bagamat marami sa atin ngayon ang hindi nakapag beach o nakapag summer vacation sa Pinas dahil sa p@ndemya.

Credit: Lj Moreno-Alapag instagram

Nakahabol naman dito ang pamilya ng basketball player na si Jimmy Alapag. Matatandaang lumipad sila patungong US para doon na manirahan kasama ang kanyang asawang si LJ Moreno Alapag at kanilang mga anak.At sa kanilang latest IG post, makikita ang kanilang larawan na nagbobonding sa beach sa America. Sana all, hindi ba?

Credit: Lj Moreno-Alapag instagram

“Got to go to the beach and catch up with family this afternoon! @jalapag3 @keonaskyealapag @alapagboys @ricorica4t #alapagfamilyfun #alapagfamilyfunincali,” sambit ni Jimmy sa kanyang IG.Enjoy na enjoy ang bawat isa sa kanila lalo na ang kanilang mga anak sa paglalaro sa buhangin at sa dagat.

Credit: Lj Moreno-Alapag instagram

Matapos ang kanilang paglipat sa America, napakaganda nga naman na mag take a break muna sila at mag bonding na magkakasama.Hands on dad at mom ang mag-asawang Jimmy at LJ dahil lahat ng kailangan ng kanilang mga anak ay naibibigay nila. Mula sa kanilang oras, pangangailangan, atensyon at kasiyahan. Kaya naman, napakaswerte ng kanilang mga anak sa kanila.

Credit: Lj Moreno-Alapag instagram

Nasa ibang bansa man, nakasunod pa rin ang mga netizens sa kanilang mga buhay sa pamamagitan ng social media.”As always an avid fan of your family,,, God bless ,keep safe, nice seeing happy family,,,””Happy family bonding,stay safe and god bless alapag family..”
“Keep safe Alapag Family..stay healthy specially sa mga kids””God Bless po Alapag family❤️❤️…ang cute ni calen!!!””Stay@ Home😂✌🏼How come you can go to the beach?
Stay safe coz i care💚”

Credit: Lj Moreno-Alapag instagram