Tingnan ang masayang buhay ngayon ng aktres na si Jennifer Sevilla kasama ang kanyang asawa at mga anak

Credit: Jennifer Sevilla instagram

Kung usaping noon time show, patok na patok sa mga kabataan noong 80’s ang “That’s Entertainment”. Dito maraming na discover ang napakaraming mga magagaling at de kalibreng artista ngayon.

Credit: Jennifer Sevilla instagram

Dito sila nagsimula, sumikat at gumawa ng pangalan. Gaya na lamang ng napakagandang dalaga noon na si Jennifer Sevilla. Bata pa lang ito ay artista na siya hanggang sa nag dalaga na siya.Habang tumatagal, ay mas gumaganda ang kanyang karera sa showbiz. Dumami ang kanyang mga proyekto na mga programa at TV shows. Dito nahulma ang kanyang galing at kasanayan bilang isang aktres.

Credit: Jennifer Sevilla instagram

Hanggang sa bigla na lamang siyang nawala sa ere. Iba iba ang haka haka nila tungkol dito pero marami ang naghahanap at nais malaman anong nangyari sa kanya.Ilang taon ang nakaraan nang makapanayam siya ng ABS-CBN noon tungkol sa kanyang biglang pagkawala. Ito pala ay nang siya magpakasal sa kanyang asawa ngayon na si Seymour Go.

Credit: Jennifer Sevilla instagram

Nobyembre 2007 nang sila ay magpakasal. Hanggang sa siya ay nabuntis at naisilang si Simon Raffa. Siyempre, masayang masaya si Jennifer sa kanyang piniling buhay dahil masaya siya bilang isang simpleng asawa at ina.“I really decided to put [showbiz on hold] munaand be a full-time mother and at the same time to take care of our businesses,” kwento niya.

Credit: Jennifer Sevilla instagram

Maging ang kanilang negosyo ay isa din sa kaniyang pinagkakaabalahan. Pero, ang mas gusto niya ay tutok siya sa kanyang anak.”I’m cherishing and savoring as much as I can every moment with him, because it’s very fast lang na lalaki na siya,” dagdag pa nito.

Credit: Jennifer Sevilla instagram

Binalikan naman niya kung ano ang kanyang huling pelikula. Ito daw ay ang “Kung Ako na Lang Sana”. Bida dito sina Aga Muhlach at Sharon Cuneta.Nagkaroon din siya ng pelikula sa Gawad Kalinga kasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano na isa namang indie film.

Credit: Jennifer Sevilla instagram